CHAPTER 59: CHILD
"Ms. Hanssen, here are the porfolio of those who qualified applicants that passed ny standards. You can choose the number of your choice or drop them all. I can look for other professionals."
Tumango ako at tinignan ang naka-compile na mga papel na inilapag sa lamesa ko. "I'll call you once I've decided," sagot ko bago iyon binuklat at inisa-isa.
Panay ang tango at awang ng labi ko dahil sa pagkamangha sa matataas na ranggo at malalaking proyektong kinabilangan nila sa dati nilang Kompanya.
Itinabi ko ang mga natapos nang basahin at muling sinuri ang susunod. Napakurap ako ang makita ang pamilyar na mukha sa litratong naka-attach do'n. "Felix Torrelba Saavedra," basa ko sa buong pangalan niya at nalula sa dami ng experiences at successful projects na kinabilangan.
Naalala ko tuloy ang ikinuwento niya at ng pamilya niya sa akin. Natuto siyang magpalakad ng business sa murang edad dahil gusto niyang may mapatunayan sa pamilya niya.
"I missed you," bulong ko at hinaplos ang litrato niya bago ko iyon inilagay sa drawer ko para itango.
Hindi ko siya tatanggapin... sa ngayon.
Sa susunod, baka pwede pa. Kapag okay na akong tanggapin ulit siya sa buhay ko... sa buhay namin.
"Ma'am Astrid, oras na po para matulog!"
Mula sa pagkakatutok mula sa screen ng laptop ko ay bumaling ako sa pinto ng kwarto ko. Buti na lang, nandyan si Yaya Vi para paalalahanan ako.
"Mabigat na ba ang tiyan mo, ma'am?" tanong niya sa akin at inayos ang lamesa ko.
"Medyo po. Ang bilis ngang lumaki ngayon. Malapit na sigurong lumabas." Hindi ko naitago ang saya. Excited na rin ako.
Pinipilit kong huwag ma-stress sa trabaho kaya nagdagdag ako ng mga tauhan. Mas mahal pero para rin naman sa amin 'to ng anak ko.
"Kaya mag-isip ka na ng ipapangalan, ma'am! Baka mapa-aga sa due date mo!" Humalakhak pa siya at hinalalayan akong umupo sa kama ko.
Tinanggap ko ang tubig na ibinigay niya bago ako pumirmi. "Hindi ko po alam kung anong ipapangalan sa kanya. Ano po bang maganda para sa lalake? Iyong letter 'F' din po sana katulad kay Felix."
"Paano kung Felix Junior na lang, ma'am?" Humagikgik pa siya. Umiling naman ako at nakatulugan ang pag-iisip.
"Yaya Vi!" kaagad ko siyang hinanap para magtanong kinabukasan. "What if Lucky na lang po? Maganda ba? 'Yon 'yong meaning ng pangalang Felix sa Latin, e!"
Nakita ko ang pagngiti niya sa akin habang nagluluto siya. "Maganda, ma'am! Pampaswete rin si Lucky sa 'yo niyan!" dagdag niya pa kaya sobrang saya ko sa araw na iyon.
Naging madalas ang pagpapa-check up ko sa OB nang sumunod na linggo. Para makalabas naman ako at makapaglakad-lakad ay bumisita na ako sa Hospital ng OB-Gyn ko imbes na abalahin siyang puntahan ako sa mansyon.
Habang nagki-kwento si Yaya Vi sa tabi ko ay napatingin ako sa batang babaeng tumaktakbo palabas ng Hospital. Ang cute niya! Kita ang pamimula ng pisngi niya at labi dahil sa maputing balat niya. Gusto ko na ring makita si Lucky!
"Daddy!"
Nakangiti kong nilingon ang tinatawag niya nang bigla iyong nawala dahil nakita ko ang pamilyar na bulto ng isang gwapo at makisig na lalake. Si Felix ang daddy niya?
Napahawak ako sa naninigas na tiyan ko dahil sa kirot. Sobrang sakit! Malayong-malayo ang sakit sa dysmenorrhea. Mas malala ito. Sinubukan kong maglakad na lang para mawala iyon at tinalikuran na sila dahil mukhang hindi ako nakita ni Felix.
"Ahhh!" Napadaing ako at napayuko dahil hindi ko na kinaya ang sakit. Nanubig ang mga mata ko at mahigpit na kumapit sa braso ni Yaya Vi para kumuha ng suporta.
"Ma'am Astrid? Manganganak ka na ba?!" aligaga niyang tanong at kaagad na sumigaw. "Tulong!"
"What's happening?"
Uminit ang buong mukha ko nang marinig ang pangalan ni Felix. "Astrid?!" Halata ang gulat sa boses niya pero hindi ko na iyon magawang sagutin dahil mamimilipit na ang tiyan ko.
"Please..." Nanghihinang pakiusap ko.
"Fuck! You're pregnant?!" gulantang pa rin si Felix.
"Manganganak na siya, sir!" bulyaw ni Yaya Vi at muling sumigaw. "Nurse! May pasyente rito! VIP! VIP 'to, dali!"
Napapikit ako nang sa wakas ay makihiga na ako sa stretcher. Nanlalamig ako kahit ramdam ko ang pawis sa noo ko. "Astrid..." marahang tawag ni Felix sa akin bago ko naramdaman ang kamay na humawak sa akin.
"Kaano-ano niyo po si ma'am, sir?" tanong sa kanya ng nurse.
"I'm..." boses ni Felix. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko.
"Tinulungan niya lang ho kaming maipasok si Ma'am Astrid, nurse," si Yaya Vi dahilan para makahinga ako ng maluwag.
"Sumama po kayo sa akin," iyon ang huli kong narinig nurse bago ako tuluyang nanghina dahil mas lalong kumirot ang tiyan ko.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay. Pagmulat ko ng mga mata ko ay namamahid ang katawan ko sa bandang ibaba at may kulay berdeng tela sa may itaas ko.
Bigla akong bumalik sa reyalidad nang marinig ang iyak ng isang sanggol. Kumawala ang luha sa mga mata ko dahil sa saya lalo na nang tuluyan nang ibinaba ang tela at inilagay sa ibabaw ko ang anak ko.
Finally, welcome to our world, baby Lucky Arvid Hannsen!
Napangiti ako dahil sa tuwa. Hindi nawala ang ngiti ko kahit madalas ang pagkirot ng tahi ko dahil cesarean section ang napili kong maging daan para maisilang si Arvid. Isang Linggo kaming nag-stay sa Hospital. Maraming itinuro sa akin ang OB ko dahil first time mom ako.
Yakap ko sa braso ko ang anak nang sa wakas ay pwede na kaming umuwi. Napatigil lang ako dahil nakita ko sa bench ng corridor si Felix.
Bumalik ang kaba sa dibdib ko. Anong ginagawa niya rito?
Sunod ay napatingin ako sa babaeng lumabas sa kwarto na malapit kay Felix. Si Stella.
"Oh, hi!" kaagad na bati niya sa akin. Ngumiti na lang ako kahit hindi ko alam ang ire-react ko. "Astrid, right?"
"Oo. Kamusta pala kayo?" tanong ko at napayuko nang tumingin siya sa anak ko.
"Your child?!" halata ang pagkabigla roon at lumawak ang ngiti niya.
Mahina akong natawa at tumango. "Yup, I gave birth last week. Kayo, bakit kayo nandito?"
"Same! Last week, na-admit 'yong baby girl namin ng asawa ko!" lumungkot ang boses niya. "Pabalik-balik ang lagnat niya!"
Asawa niya? So anak nila ni Felix iyong cute na batang nakita ko last week? Parang tatlo o apat na taon na iyong bata, ah?
May anak sila bago pa kami nagkakilala ni Felix?
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomanceAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
