Simula
Supermarket.
Busy ako sa pamimili ng mga pagkain at kung ano pang inutos sa akin na bilhin ni Ate. Tumingin ako sa listahan. Nakakuha na ako ng noodles, fresh milk at sugar. Ang natittira nalang ay yung mayonnaise para sa tuna spread ni Ate. Ano ba yan! Lahat na ng rows dun inikot ko para lang mahanap yung mayonnaise. Kakastress na this ha!
"Momma! Momma!" naramdaman ko nalang bigla na may bumangga sa legs ko. Pagtingin ko, isang bata. Umiiyak at hinihila yung damit ko. Gawin ba namang panyo yung palda ko baby boy? Nagsquat ako para magkalevel na kami. Pinunasan ko yung mata niya.
"Sinong kasama mo? Nasaan yung Momma mo?" tanong ko sa kanya kahit mukhang hindi rin ako masasagot ni baby boy. Kaya naisip kong isama nalang muna siya sa akin para i-turn over sa customer service. Pinaupo ko siya dun sa cart na tinutulak ko. Pero hindi pa kami gaanong nakakalayo ay may biglang sumigaw na lalaki sa may likod namin.
"Adriel!" Napalingon ako. Mukhang tumakbo pa siya dahil pinagpapawisan siya kahit na centralized naman ang aircon dito.
"Pa--!" sigaw naman ni Baby boy pabalik dun sa lalake habang pilit na inaabot gamit yung mga kamay niyang super cute. Lumapit sa amin yung lalake, sabay inalis agad si baby boy sa cart ko. So Adriel pala ang pangalan niya?
"This is kidnapping!" Sabi niya sa akin gamit ang galit at seryosong tono. Masama na kaagad yung tingin niya habang yakap yakap si Adriel. Edi wow! Ako na nga yung tumutulong dito ako pa masama? Grabe. Napagkamalan pa akong kidnapper! Napa-face palm ako. Jusko naman! Sa ganda kong 'to?
"S-Sorry! I was about to send him sa Customer Service... But now that you're here..." Napaenglish tuloy ako ng wala sa oras! Nakakailang naman ito. Ilang saglit pa at nanlaki panandalian ang kanyang mga mata nung makita ako.
Siguro hindi siya nakafocus nung una kaya ngayon lang niya napansin ang aking kagandahan. Pfft. Asa naman ako!
Napatagilid naman ang tingin ko pabalik sa kanya. Parang nagloload pa ang itsura ko sa mga mata niya kung makatitig e.
Narinig kong tumikhim siya at ibinalik yung baby dun sa cart ko. Nagulat ako sa ginawa niyang yun at bigla niya akong hinila sa isang tabi. Umiling siya at hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa gawin yun.
"I'm sorry for this but... Pwede ka bang sumama muna sa amin?" Tanong niya na para bang life and death na yung situation dahil sa tono ng boses niya. Hindi katulad kanina na galit siya. More on sa pagwoworry at sincere ang boses niya ngayon.
Ano girl? Papayag ka ba?
Pero hindi naman porket gwapo ay sasama na ako! Malay ko ba kung sindikato pala ang isang ito na pangmayaman na version lang!?
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Ficción GeneralRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...