SATD 2
Condo
Binayaran niya yung pinamili ko at sinamahan pa ako para maiuwi muna yun kay Ate sa bahay. Ngayon ay nasa condo niya kami. Kasama namin syempre si Adriel. Kung nung una ay tahimik kami ay ngayon may background music na. Classical Music kumabaga. I think it's for Adriel. Ang sosyal naman ng music. Samantalang nung baby yata ako puro rock and roll ang pinatugtog e!
In fairness, ayon din kasi sa mga kwento at research kuno ng mga buntis kong kakilala, malaking tulong din sa progress ng baby yung ganun klase ng music. Pampatalino din ito. Ngayon ay tulog na si Baby Adriel. Feeling close lang kung maka-Adriel?
"Have a seat." Sabi nung lalake. Kaya umupo ako sa isang bakanting chair.
"Uhm... Pwede muna magtanong?" Dahil hindi pa kasi kita kilala! Eto na siguro ang pinaka-intriguing moment ko sa buhay. Ang sumama sa isang stranger na may anak pa! Tumango lang siya. Matipid sa laway. Wow! Save energy, save laway din?
"Anong pangalan mo? Bakit rin ba ako sumama dito? Ano bang gagawin ko? Kailangan mo ba ng maid?-" Pinutol ako ng tawa niyang mahina.
"Pardon me for my interruption. But can I answer them one by one? You dropped them like bombs on me." Tinaas niya pa yung mga kamay niya. Para bang sumusurrender.
"Sure." Ngiti ko. English quiz bee na to mga chong! Taray ni Kuya o kung sino mang anghel ang nasa harap ko ngayon. English pa bhe! Magaling din ako diyan.
Nilahad niya ang kamay niya at inabot ito sa akin, "I'm Cid Mathieux L. Davidson. You're here because you wanted to. I hope I'm right?... And before I proceed on what you're about to be... May I know your beautiful name?" ngiti niya.
Lul! Beautiful daw oh! Naks may dimples pa! Natawa ako. Pero natigil din dahil sa titig niya.
"Sorry about that... Minsan kasi malakas din ang topak ko. The name's Safire..." Shocks! Nag full name siya, kaya hindi naman siguro masama kung ako rin?
"...Safire Eloise C. Puso." sabi ko nang tinanggap ko yung kamay niya. Napataas naman ang isang kilay niya. Mukhang naweirduhan sa apelyido ko.
"Puso? Heart?" alanganing tanong niya. Sabi na eh.
"Yes, puso talaga. Bakit? Gusto mong palitan?"
"No, you're perfect for it. Seems like you use that heart of yours for good?" May pagkaweird yung tingin niya sa akin.
"Huh?" Naguluhan ako bigla.
"Let's get to the point. I want you to be Adriel's temporary nanny, sister, maid and the list goes on. In short, you're going to be his mother." His what? Sa ganda kong 'to?! Sa julalay lang mauuwi? T-teka! Sinabi niya bang Mother??
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Художественная прозаRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...