SATD 16
Kalma
Nagpalit ako ng damit at naghilamos. Tinabi ko yung mga pinamili ko sa closet at ngayon casual lang na pambahay ang suot ko.
"What happened here?" Yan yung tanong niya pagkadating. Kung kanina ay medyo nagpipigil ako ng galit, ngayon hindi na. Biglang tumaas yung blood pressure ko.
"Nagawa mo pang tanungin yan? Dahil sa kinuha mong nag-alaga kay Adriel, kaya nagkaganito dito!" Sabi ko ng nakapamewang. Well, that's quite a lie. Ako ang may sala sa kalat dito sa loob ng condo. Iba ako magalit. Kaya ayan, magulo na ang condo mo. Congrats! "Alam mo bang dahil sa kanya kaya ngumunguwi si Adriel ngayon sa sakit? Ha?!" Sigaw ko sa kanya. Naiinis ako sayo!
"What?!" Agad niya akong pinatabi sa dadaanan niya palapit kay Adriel. Mabilis niyang binuhat si Adriel at chineck ang katawan nito. "Who did this?" Inabot niya yung braso ko. Aray!
"Bingi ka ba? I said, the one who did that to Adriel was that damn hired nanny of yours!" English na yan leche ka!
"Don't cuss! Adriel can hear you." Binatawan niya yung braso ko. Medyo pink na yung part nung braso ko dahil sa kamay niya. Tss.
"Sorry sa 'pag-cuss' ko. Hindi mo kasi naabutan kung paano saktan nung tao si Adriel." Kumunot ang noo niya at tumingala.
O ano ka ngayon? Stressed much? Patas na tayo ngayon. Binigay niya sa akin si Adriel at agad na kinuha yung phone niya. May dinaial siya dun at bigla bigla nalang tumaas ang boses niya.
"...How can you let this happen? I thought she's one of the best?! Well, I have news for you that something bad happened to my son!... No! I'm not letting this one go..."
Hindi ko nalang siya pinansin at dinala si Adriel sa kwarto ko. Naglaro kami ng peek-a-boo. Sa tuwing ipapakita ko yung mukha ko wagas kung makatawa si Adriel. Akala mo wala ng bukas eh. Tinigil ko yun at mahirap na baka magka-kabag pa siya.
Nag-count nalang kami ng 1 to 10. Kuha niya na yung iba, nakakaproud! Nilibang ko siya para makatulog na dahil kung iisipin, stressful sa age nila ang mga ganung klase ng pangyayari. Mamaya matrauma pa to, edi kasalanan ko na naman.
"Momma mad?" tanong sa akin ni Adriel na medyo paos parin ang boses. Umiling agad ako at niyakap siya.
"I'll never be mad at you. Sa'yo pa ba? No way. Ang bait bait mo tapos love na love kita kaya paano ako magiging mad sayo baby? That's impossible." tawa ko ng mahina at pinanggigilan siya sa tuwa.
Pagkatapos ko siyang kwentuhan at kantahan ng pampatulog ay nakatulog rin siya sa wakas. Dahan dahan kong inangat yung katawan ko mula sa kama. Laking gulat ko nalang na makita si Cid. Nakacross ang arms at ang kanyang tingin ay kung nasaan ngayon si Adriel na mahimbing na natutulog bago nilipat ang tingin sa akin.
"May kailangan ka?" tanong ko. Hindi siya sumagot at hinila ako palapit sa kanya.
"I'm sorry for this." Sinundan ko ang mga mata niyang nakatingin sa braso ko... Ay? Nagmarka siya. Pasa na ata ito sa tingin ko.
"Okay lang. Mawawala din yan." Binawi ko yung braso ko mula sa pagkakahawak niya. Narinig ko ang pagsinghap niya bago tumabi kay Adriel. Yung kama ko di na virgin! Shet! Napakamot ako sa ulo. Oo nga pala... Kanina ko pa gustong malaman kung anong connect nung Hotel Laelia sa kanya.
Huminto ako sa paglakad. Napatingin siya sa akin. "I thought you're going out?"
"Ah... Hindi. Gusto ko sana magsorry tungkol kanina..." Nakayuko kong sabi.
"No, it's my fault to leave Adriel with a stranger. I could have prevented it from happening."
"So okay na tayo?" Tumango lang siya ng dahan dahan.
"Uh... May gusto kasi akong itanong sayo kaso nahihiya ako..."
"Don't hesitate. Go, ask me."
"Alam mo yung Hotel Laelia?" Mahina kong tanong.
"Yeah, it's my property. You want to go there?"
"Nakita ko lang kanina." Kahit na kating kati akong sabihin sayo na, 'Actually, nakapunta na ako, nakapag-check in at Italian course pa nga sa restaurant e. May extra pa nga ako na nakitang di kaaya ayang scene!'
"I can bring you there if you want. I think you'll enjoy it, especially if you're with Adriel, I guess?"
"Sure, why not nga naman? Malay mo makita ko dun si Mr. Right haha." Umiling siya ng dahan dahan at natawa ng mahina. Grabe, iba talaga yung appeal niya. Ang gwapo niyang Daddy nakakainis! Napakagat ako sa labi kong malambot at sexy. Walang kokontra!
"You can join us if you want." Nakangising sabi niya.
Pahamak you! Wag ka nga. Nagpipigil ako dito ng bongga tapos eepal ka ng ganyan. T__T Puso ko, relax ka lang.
"Ayoko nga. Baka masundan si Adriel. Haha" sabi ko nalang. Sumilay ang ngiti niya. Hindi lang yun ngiti, mapangasar na ngiti.
"Why not?" Kumindat siya at natawa. Ay ang harot. Hinagisan ko siya ng unan. "I bet, you can give me beautiful babies. You're pretty, hindi masasayang effort. Hahaha" Dagdag niya pa. Sheeet ka Cid. What is kalma kung katabi niyo ay kama? Ganun ba? Ha? Sagot! Wag mo ako bigyan ng ideas! Pulang pula na siguro yung mukha ko sa hiya ngayon.
"Shut up! Hindi tayo kaya imposible yun." Tumawa ako para hindi awkward. Nginitian niya lang ako.
Umusog ako ng kaunti dahil medyo hindi kami kasya dito sa kama ko. Like hello? Single bed lang yan. At kaya yan tinawag na ganun ay hindi pwedeng dalawa o tatlo. Lalong lalo na kaya single, dahil single din ang status ko. Bawal yung taken. Nak ng leche flan naman! Understand? Naiintindihan ba? Intiendes?!
Buong gabi kaming nakaharap sa ceiling habang daldal siya ng daldal kahit pabulong na yun samantalang ako, iniisip ko ang mga bagay na imposible kahit inaantok na ako.
Things like... kung aamin ba ako may mapapala ba ako? I mean, mas matanda siya sa akin, oo. And hindi naman naglalayo yung mundo namin. Angat lang siya ng kaunti. Tapos kahit may baby na siya, okay lang naman sa akin dahil mahal na mahal ko na si Adriel. Napabuga ako ng hangin. Hay... Ang hirap lumovelife!
Iniba ni Cid ang usapan namin mula kagabi. Nakakaloka, nagkatabi lang sa iisang kama, nagiba na agad yung ihip ng hangin. Simula ngayon, gusto niya ng tawagan sa aming dalawa dahil baka daw makahalata si Baby Adriel.
I'll think about it later, yun nalang ang nasabi ko.
Sinama kami ni Cid sa Hotel Laelia ngayon kahit na may work siya. VIP Treatment! Yehes! Hindi ako makapaniwalang kilalang kilala dito si baby Adriel. Jusko, stage mother narin pala ang peg ko. Ang saya! Kaso bigla akong nainis ng bongga nung malamang ihaharap sa akin ni Cid yung babaitang baliw na pumalo kay baby. Umuusok na yung ilong ko maisip ko palang yung pagirap na ginawa niya sa akin e. Pati narin yung nagrecommend na bwiset.
Kung sino man siya, masasabunutan ko rin siya. Pero bago mangyari ang world war III, pinakilala niya ako sa mga empleyado niya. Bumukas yung elevator at bumungad sa akin ang hindi ko inaasahan. Yung babaeng kasama niya last time sa restaurant!! Sinasabi ko na nga ba may something sa babaeng ito eh. Nak ng salmon with feelings naman oh! At kasama niya si bruha!
Anong klase ng tandem ba trip ng dalawang to? Mukhang hindi lang riding in tandem eh!
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
General FictionRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...