SATD 24
Supermarket 2.0
"Bakit kaya galit na galit sa akin yung nanay ni Cid?... Tinawag niya akong anak. Sinabi din ni Cid na magkaiba kami nung tinutukoy nila. Ay kawindang Ate! Dun talaga ako naweweirduhan. Sobrang weird lang." Kausap ko ngayon si Ate habang kumakain kami ng lugaw.
"Baka naman may nagawang masama yung tao tapos nung makita niya yang mukha mo... Magically... lalong nabadtrip kasi naalala niya kung ano man yun..." Sinamaan ko ng tingin si Ate. Nilagyan ko ng maraming garlic yung bowl niya.
"Ang dami nito masyado!" Buti nga sayo. Hahaha. Sumimangot siya at napilitang kainin yun.
"Kaya mo na yan Ate. Huwag kang magalala. Marami tayong toothpaste sa ref!" Tawa ako ng tawa dahil namula na yung pisngi niya. Ke dami ba namang bawang e. Binilisan namin para makabili na ng groceries.
Here I go again, nasa supermarket. Maliit na basket lang yung lalagyanan ko. Jusko naman, ang tamad talaga ni Ate. Kahit na magkasama kami ngayon, halos ako na naman ang naghanap ng mga kailangan. This time pang salu-salo. May bisita daw mamaya.
Aabutin ko na sana sa isang shelf dun yung boxes ng gelatin kaso may bumangga sa akin na lalake. So much for being a gentleman. Bwiset! Bakit ba ang daming shushunga-shungang tao?! Ang hilig magpakashunga parang ito lang. Hindi gamitin yung utak.
"Hoy! Nabangga mo na ako't lahat hindi ka man lang magsosorry!?" Pinilig niya yung ulo niya sa isang side at tinignan ako maigi.
"Sorry Miss. Hindi kita napansin--Sa-Safire!?" Bigla niya akong niyakap.
Nanlaki ang mata ko. "Teka! Sino ka? Hindi kita kilala!"
"Safire, my loves ko! Ikaw nga!" Para naman akong nakuryente sa sobrang deep nung boses niya. Humigpit yung yakap niya samantalang pilit kong inaalis ang mga braso niyang nakayakap sa akin.
"Hindi mo na ako mamukhaan...?" Umiling ako. Bumitaw siya sa akin at malungkot yung tono ng boses niya. Shet, biglang tumayo balahibo ko. Ngayon hindi na siya makatingin sa akin at napansin kong pumula yung mukha niya.
"Ako na 'to. Yung S-Sal na kababata mo. Si Lovidoves."
"Lovidoves?" Tumango siya. Napatakip ako ng bibig.Oh. My. Ghad.
"Sinasabi ko na nga ba at ikaw na yan Sal e. Meant to be nga kayo nito. Kita mo na, nagkita ulit kayo at dito pa"Tumawa si Ate nung makita kami. "Oh bakit ganyan mga mukha niyo? Nahiya ka pa Safire! Lapitan mo na!"
Tinulak niya ako kaya nagkabanggaan ulit kami ni Sal. Tumawa naman yung isa. Aba'y ke lande! Napatitig ako kay Sal... Siya na ba talaga yan? Hindi ako makapaniwala. Ang magkita kami ng childhood friend ko pagkatapos ng halos 15 years...
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
General FictionRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...