SATD 51
Grocery List
Safire's POV
One month na simula nang maayos ni Cid ang problema about sa custody. At buti nga pumayag si Cassiopeia na kay Cid mapunta ito fully. Mas okay narin daw yun kesa naman mapunta kay Monster--este Mother nila.
Makakabisita parin si Cassiopeia kay Adriel kahit kailan niya gusto. Balita ko rin na lilipat sa Cebu si Cassiopeia dahil dun siya nilipat ng company na pinag-tatrabahuhan niya. I'm happy for her at meron narin siyang mapagkakaabalahan bukod kay Adriel.
One month narin nang magsimulang manligaw sa akin si Cid. To think na hindi nga lang sa akin nanliligaw e, pati sa pamilya ko. Pati nga si Sal, nililigawan narin. Shocks di'ba? Teka! Hindi gay si Cid okay? Kaloka. Paano ba naman kasi, ayaw akong paligawan ni Sal. Dinaig pa magulang ko sa pagiging 'strict'. Pero I'm happy, very happy dahil nakilala niya narin ang babaeng para sa kanya. Inunahan pa nga ako sa engagement. Akala mo mauubusan e.
At ngayon, nasa supermarket na naman ako. Kasamang magcecelebrate ng Christmas ng family namin sila Cid. At para naman sa handaan ng Noche Buena ang mga bibilhin ko.
Lanjo kasi 'tong sila Ate. Ako na naman ang inutusan. Grabe lang ha, kala mo pinapasweldo nila ako! Jusko. Lahat na lang may leche, la cucaracha, muchacha, etsetera! Patawa rin 'tong si Ate e. Kala mo marunong mag-espanyol. =_=
"Mama Mama!" Rinig kong sigaw. Napatingin ako. Isang batang foreigner ang umiiyak sa may gitna. Dinadaanan lang siya ng iba. Aba't, para saan pa ang hospitalilty ng mga pinoy aber? Nilapitan ko siya at nag-squat ako para magkalevel na kami. Pinunasan ko yung mata niya.
Teka nga! Ba't feeling ko nangyari na 'to dati?... Ah! Tama. Dito ko unang na-meet si Adriel. Napangiti ako at tinuon ng pansin yung bata. At dahil mukhang englishero, heto na naman po ako sa aking English.
"What's your name?" tanong ko sa kanya kahit mukhang hindi rin ako masasagot ni foreign baby boy. Ang sarap kumanta ng Where are you now ni JB at idedicate kay Cid! Sinama ko siya sa akin para i-turn over sa customer service. Jusko, buti basket lang ang dala ko.
Sana naman walang eeksena dahil last time si Cid--Hindi pa nga ako nakakahakbang ng isa may sumigaw na agad na lalaki sa may likod namin.
That Hoy-Cid-Leche-ka-if-ever-may-kakambal-ka-pang di nababanggit-at-eto na siya moment!
"There you are Adam!" lapit nung lalaki sa amin. Mag-kasing tangkad sila halos ni Cid at mas foreign nga lang ang itsura kahit pwede ng isabak si Cid sa Mister universe kung may ganun man.
"Dada." sagot naman pabalik nung kasama kong bata. Lumiwanag ang kanyang mga mata nang makita yung 'father' niya. Akala ko nga sisigawan niya ako ng kidnapping tulad ng ginawa ni Cid noon sa akin e.
Napatulala nalang ako ng ngitian niya ako at nag-thank you. Chumansing pa nga ng yakap e! Pak na shems. Nahiya akong nag you're welcome. Kung pwede nga lang duktungan ng anytime.
Napangiti ako ng malawak habang pinapanood ang pag-alis nung dalawa. Kilig mats--Pagtalikod ko. Nawala ang ngiti sa mukha ko at nanlaki ang mata. Sumalubong sa akin si Cid at katabi niya naman si Adriel. Parehong naka-cross ang arms at nakakunot ang noo.
"What do you think you're doing Ms. Puso?"
"Momma who's dat?" Tanong nilang dalawa.
"A-anong ginagawa niyo dito??" Para akong isang pusa na nahuling kumain ng dog food kesa cat food dahil sa tingin na pinapaulan nila sa akin.
"Answer us first, Ms. Puso. Sino yun?" Sarkastikong tanong ni Cid. Tumalikod ako at lumapit sa pinakamalapit na rack ng mga pasta at tumingin tingin dun.
"Nawala yung bata then may lumapit lang na guy. Nag-thank you tas nag-babye." Mabilis kong paliwanag.
"Liar ka Momma. I saw him. He makes yakap!" sigaw ni Adriel na kinagulat ko. Mabilis akong lumapit sa kanya at agad na nag-sorry. Ano ba 'tong napasok ko?
Tinignan ko siya at naka-poker face siyang tumingin sa akin. Maski si Cid na hihingan ko sana ng saklolo ay ganun din. "Sige na. Sorry na si Momma. Naghelp lang ako dun sa baby-- I mean dun sa kid na makita yung Daddy niya. He's lost. That's all." Paliwanag ko ng maayos.
"Papa o! Si Momma. Harot!" Sumbong nito kay Cid. Napaawang ang bibig ko sa narinig. Harot?? The heck? San niya napulot yun!? Natawa ng mahina si Cid. "Adriel. Where did you learn that word??" Halos hindi ako magkamayaw. Tinuro niya ang bagong dating.
Si Ate at ang kanyang boyfriend.
"Galing 'kong teacher 'no? Pinapunta ko sila dito dahil dumaan sila sa bahay. Grabe ka. Inutusan ka lang na bumili ng grocery, pinagpalit mo na sila." Naka-ngiting aso si Ate sabay iling.
Sinamaan ko siya ng tingin. Nakita kong umiling ang dalawang alagad ni Adonis. Nilapitan ako nila Ate at kinuha sa akin yung basket at grocery list na hawak ko.
"Kami na bahala dito. Baka 'humarot' ka na naman at magselos yang mag-ama mo. Bwahaha." Mapang-asar niyang sabi at nagyakapan pa sila ng bongga ng boyfriend niya. "Hindi nga sabi e--Aaaahh!" Irit ko nang mabilis akong binuhat ni Cid na parang sako.
"I'll be taking her. Thank you sister-in-law." Hindi ko makita ang mukha ni Cid pero pakiramdam ko nakangisi siya habang sinasabi yan. Tanging likod niya ang aking nakikita. Nagsimula na siyang maglakad. Nakakahilo. Nakasunod sa kanya si Adriel, naka-cross arms parin na nakatingin sa akin. Hindi ko na pinansin yung ibang mamimili.
Sa likod ng isipan ko, paulit-ulit kong nireremind yung sarili ko na, Never na akong tutulong sa batang nawawala kung ganito din naman ka-grabe mag-selos ang dalawang ito.
Pinatunog ni Cid yung kotse niya at naunang sumakay si Adriel. Inalalayan siya ni Cid. Nagulat ako dahil sa likod siya umupo, when normally sa gitna namin siya ni Cid umuupo lagi. Binaba lang ako ni Cid nung sasakay na ako sa front seat. Umupo ako ng maayos at hinilot ko ng kaunti yung ulo ko. Last siyang sumakay.
Nagtakha ako nang hindi parin niya iniistart yung kotse kaya tinignan ko siya. Kinakabit niya pa ang seatbelt niya. "Sorry for carrying you that way."
"Okay lang." Ngiti ko kahit nakakahilo parin talaga. Naramdaman ko ang hawak niya sa aking kamay. At ang isa niya pang kamay ay inangat ang aking mukha at hinarap sa kanya. Seryoso ang mukha niya.
"Now you know it's bad to make the Davidsons mad..." Ramdam ko ang paglapit ng kanyang mukha. Shet. Napapikit ako. Nararamdaman ko na sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. Ang kanyang paghinga ay malalim. Eto na ba yung hahalika--"PAPA!! Weyt! Close ko eyes ko." Rinig kong sigaw ni Adriel sa likod.
Napamulat ako ng mata at shet! Kinakabahan. Nakakahiya! RATED PG TEH! RATED PG! Nilayo niya ng kaunti ang mukha sa akin.
Ngayon nakatingin siya kay Adriel sa likod na nakatakip na ang mga mata. Natawa siya ng mahina sa ginawa nito. Lumingon siya ulit sa akin. Nagkatinginan kami. Grabe! Nagtayuan mga balahibo ko sa braso. May spark! Tengene! Pak na pak. Ang gwapo mo talaga babe.. Charot lang!
"The coast is clear..." Ngumisi si Cid at ang atensyon niya ay nasa akin na. "So where were we?"
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
General FictionRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...