SATD 3

18K 334 2
                                    

SATD 3

Hanggang kailan

"Ha?! Teka nga, nakadrugs ka ba? Kakakilala palang natin pamilya na agad?!" Angal ko. Ang weird ng ganitong set-up e. At saka ang bilis naman ata? Ni wala pa ngang ligawan or getting to know you stage!

Bahagya siyang umiling.

"I'm not high for goodness sake. We're not getting married or anything. I just want someone to look after Adriel. And from the looks of it, if he called you Momma or something similar, then you don't have a choice but to be with him for awhile." Medyo calm pa yung pagkakaexplain niya sa akin.

Samantalang ako parang nagkapalit na yung pwesto ng puso ko sa liver ko thenyung kidney ko nalipat sa pwesto nung lungs sa gulo ng feeling ko ngayon. Kahit anong angle ko talaga siya isipin di ko gets yung point niya. Ano naman kung tinawag ako ni Adriel na Momma? Anong konek nun?

"Hanggang kailan yun?"

"You can stay just a month or two." Kung magsalita siya parang dalawang minuto lang yung hinihingi niyang oras sa akin. Napatingin tuloy ako dun sa baby na mahimbing ang tulog ngayon.

Nasaan ba ang nanay niya? Nangungulila ba siya sa mommy?

"If it will ease your mind, I'll give you weekly payment for taking care of him. Please?" Napaka desperate niya namang pakinggan. Napatitig pa tuloy ako sa kanyang mukha.

Nakakunot na yung noo niya ngayon... Seryoso ang kulay hazel niyang mga mata. Ang mukha niya ay sobrang perpekto to the point na mapapaisip ka kung tao pa ba ang kaharap mo o di kaya'y greek god. Yung labi niyang natural na mapula ay nakangisi na ngayon nung mapansing I'm staring at him.

I'm checking him out!

Mabilis kong binawi yung tingin ko sabay lingon sa paligid.

After ng ilang minutes ng matinding pagiisip... Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at pumayag ako sa gusto niya.

Safire and the DavidsonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon