SATD 21
Miss
Alam na ni Ate yung set-up namin ni Cid. Two weeks passed since I left his condo. Nga nga mode. Ang boring pala kapag wala kang masyadong ginagawa. Today yung last day nung 2 months deal namin. Napasabunot ako sa buhok ko dahilan na nakatanggap ako ng batok galing kay Ate.
"ARAAAAAY!" Napatingin ako sa hawak niya. Talagang bagong roll na newspaper pa ang ginamit!
"Para kang sinasapian diyan. Umayos ka nga. Kung makasabunot ka sa sarili, daig mo pa si Sisa. Matatalbugan mo na sa acting." Napatingin ako sa kanya. Ang panget ng facial expression niya ngayon. Sabagay hindi naman siya maganda like me... Pwede narin. Slight lang. Mga isang patak.
"I'm wondering kasi kung kamusta na si Baby Adriel. Nakakakain kaya siya ng maayos? Ikaw ate, ano sa tingin mo?... Sa tuwing tanghali pa naman ay nagtatantrums yun kapag hindi mo inuna yung milk bago yung baby food niya--UGGGHH! Namimiss ko na siya!" Sisa ba kamo teh? Almost pareho na nga kami ni Sisa! Dahil pakiramdam ko din ay mababaliw na ako nang hindi nakikita si Baby Adriel!
"Eh kung matutuluyan ka lang din naman na mabaliw diyan, bakit hindi mo nalang kasi puntahan sa condo niya. Ang arte arte mo pa kasi." Sabi niya pa with feelings.
"Huwaw ate! Kung makapagsalita ka, akala mo madali lang gawin yun! Ikaw kaya sa pwesto ko!" Umagang umaga, ganyan yung eksena niyo.
"Excuse me, may boyfriend ako at mabuhay sa lahat ng loyal. Isa lang kasi ang pinagtatakha ko... hindi naman kaya may HD yang Davidson sayo? Nainlove ga?" usisa ni Ate. Heto na naman po siya sa dialect dialect niya.
"Anong inlove ka diyan Ate?! Bingi ka ba? Sinabi ko ng may babae. Besides, it's all for baby Adriel. Echosera ka. Kasunduan yun para kay Adriel hindi para sa amin." Inirapan niya lang ako at kinuha yung kape niya. Aba aba! Kung maka-irap kala mo kasing ganda ko. Gupitin ko pilik-mata mo eh!
"Yung baby nga lang ba?" Mapangasar niyang winiggle yung kilay niya.
"Bahala ka nga diyan! Sana mabulunan ka sa kapeng iniinom mo!" inis kong sigaw sa kanya.
"Bumalik na si Sal your Lovidoves! Kadiri ng call sign niyo ah. Hahaha. Pakipalitan. Move on move on din pag may time ineng! Mas gwapo na daw siya sabi ni Tita!!" pahabol niya pero hindi ko na narinig ng maayos.
Nagdrive ako sa loob ng village namin... Wala lang. Libangers mode. Ang galing galing nung stereo ng kotse ko. It must have been love pa talaga yung nagpplay. Kung sino man ang nagpapatugtog niyan sa station, magigilitan ko ng leeg! Ang galing nito tumayming! Bwiset!
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Ficção GeralRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...