SATD 40

7.8K 125 2
                                    

SATD 40

Protection

     Dumating na yung pick up at dinala kami sa capital. Bago kami tumuloy sa Island, bumili si Sal ng damit at kung ano pang kailangan niya. Dito narin siya bumili ng bag. Ang yaman naman nito... Umirap ako. Hindi ko alam kung ganito siya lagi o nagpapasikat lang na may pera e.

Gamit yung nirentahang boat, nakarating din kami sa private island na napili ni Sal. Mas maganda daw dito kumpara sa iba. Ang masaya lang there's signal here.

Cottages lang na maliliit ang meron dito. Walang gaanong tao. Hay... Mabuti narin siguro ito. Malayo sa stress at sakit sa ulo. Makakapagpagaling pa ako ng sugat ko at magagawa ang lahat para malibang at madistract ako. Baka pag nagawa ko na ang lahat ng yun by the end of the trip, nakalimutan ko na sila.

      Naunang bumaba si Sal at nilahad ang kamay sa akin, pero shet lang, yung tubig aabot na sa tuhod ko. Binaba ko agad yung paa ko sa mas mababaw na parte. Nagsorry ako kay Sal agad at natawa. Tumakbo ako at nilapag ang gamit ko sa loob ng cottage.

     Tinawagan naman ni Sal sina Mom. Nagpaalam siya kahit nauna yung pag punta namin. Nakausap ko rin si Mom, imbes na galit parang tuwang tuwa pa. Tss. Iba na naman siguro nasa isip. Naglunch muna kami bago magikot sa island.

Hapon na at hindi na mainit ang araw. Nagpalit na ako ng pang-swimming. White bikini yun. Mas maganda nga kung yung black yung dinala ko e. Kaso epal si Ate, kinuha niya sakin yung favorite ko. Tss. Bahala na nga. Dinala ko narin yung pang-cover ko sa katawan incase na lumamig.

      Kakalabas ko palang ng cottage, si Sal na agad ang nakita ko. Naka-black shorts lang at topless. Napalingon siya sakin at nakita ko kung pano niya tignan ang buong katawan ko bago kumunot ang noo. "It's not good na magdisplay ka ng ganyan..." Parang may halong galit yung boses ni Sal. Tumaas ang kilay ko.

"Why not? Minsan lang ako makapag-bikini. Ikaw lang naman at ako ang tao dito." Angal ko. Umiling siya at kinuha sa akin yung pang cover ko sa katawan at sinuot niya sa akin yun.

      "Hindi ibig sabihin na dahil komportable ka o kilala mo ako, pwede ka na mag-display. Hindi parin naaalis na lalake ako, babae ka. Paano kung mabastos ka ng iba at wala ako? Show less, and they'll respect you. Malaki ang respeto ko sayo Safire." Tinignan ko siya. Ang mga mata niya sobrang seryoso.

I can see it in his eyes. Protection and security. He's definitely trying... To have the answer he's waiting for... Gagawin niya lahat. He's all aimed for the big Yes. 

"Uh... Thanks." Shet lang. Hindi ko na magawang mag swimming pagkatapos ng sinabi niya.

"Hindi ka tutuloy?" Tanong niya.

"Mamaya nalang siguro"

Umalis siya at lumangoy sa dagat. Sumandal ako sa isang puno ng niyog, pinapanood siya sa di kalayuan. Is it possible na mainlove ako sa kanya? Yung iba noon, that I'll see him as a man and not some childhood friend of mine?...


Safire and the DavidsonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon