SATD 26
Girlfriend
Ngayon lang ulit kami nagusap ni Cid after nung incident with his nanay na mataray. Sa medyo exclusive at mamahaling restaurant kami nagkita. May sasabihin si Cid na importante... Not that it matters to me. Napilitan ako pero kailangan kong sumama dahil kay Adriel. Napansin kong may isa pang bakanteng upuan sa table namin.
Tatlong tao ang pumasok sa isipan ko na pwedeng dumating at umupo sa upuan na yan. Una, yung nanay niya para awayin ako or whatever. Pangalawa yung kapatid niya na hindi ko pa nakikilala. O yung panghuli... Isang babae na hindi ko kilala pero alam kong para kay Cid.
Maya maya pa ay may pumasok na babae sa pintuan at naka-formal attire ito. May slit ang red dress na suot at naka-heels. Elegante at maganda. Napasulyap ako sa suot ko... Sabi ni Cid, okay lang daw ito... Pero ngayon parang nakakahiya. Nanliliit ako.
Tumayo si Cid para salubungin yung babae, hinalikan niya ito sa pisngi bago alalayan makaupo. Ang gentleman talaga kahit kailan. Napangiti ako. Hindi niya yun ginawa sa akin ever.
Nag-slow motion ang mga salita niya habang pinapakilala ang girlfriend niya. Eto na ba yung sinasabi niyang importanteng sasabihin?
Alam kong before ako bumalik ulit sa pagaalaga kay Adriel ay hinanda ko na ang sarili incase mangyari 'to. Ito yung araw na inasahan ko na. Pumikit ako ng mariin dahil nagsimula ng gumilid ang mga luha sa mata ko.
Ah. Ngayon naaalala ko na. Isang beses... Napanaginipan ko ang ganitong eksena;
I don't like her any more than friends. Oh come on, please believe me on this one. Sooner or later, when we get married, she'll be out of our lives. Of course, it will be another adjustment for Adriel...
Yan yung mga sinabi ni Cid sa panaginip ko habang magkayakap silang dalawa ng isang babae. Nakatingin sa akin na parang hindi ako tao. Ang mga salitang kinatakutan kong marinig kahit kailan mula sa kanya. Ang maranasang itaboy... Ayan na oh, harap harapan Safire. Imulat mo ang mga mata mo Safire!
Now Cid and a girl who is not me is now officially together.
Sinasampal ako ng katotohanan na kahit kailan hindi papasok sa isip niya na pwede kaming dalawa dahil role ko lang ang mag-aalaga kay Adriel. It's too cruel for my heart to accept.
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Fiksi UmumRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...