SATD 17

8.6K 188 2
                                    

SATD 17

Bintang

Himala yata na hindi siya ganun kaayos ngayon sa sarili. Hindi rin siya nakangiti nung makita kami. Tumayo siya kasama yung bruha sa harapan namin.

"Mr. Davidson, I'm sorry again for her actions yesterday. I didn't know." Nakayukong sabi niya kay Cid. Tikhim lang ang tanging nagawa ni Cid habang nakatingin sa dalawa ng seryoso.

"I want her license canceled. And I, will charge you for misleading information and for her, harassment and child abuse-" Natigil naman si Cid sa pagsasalita.

"Bakit pati ako kasama? I wasn't even there nor was I who did that to Adriel! " Angal nito.

"You're the one who recommended her to me with flowery words and her amazingly fake background. Therefore, you're still involved." Seryosong sabi ni Cid.

"You can't do this to me! Don't you think something is not right here?! Why not ask that girl beside you, you'll never know baka siya naman pala ang may gawa! Kasama mo siya sa condo right? How can you be so sure na hindi siya ang may gawa nun?"

Aba aba, sumosobra na ang isang ito ah! Ako pa daw ang pagbintangan. Inabot ko kay Cid si Adriel at lumapit dun sa babaeng kasing laki ng balon yung bibig.

"Hoy! Imposibleng ako yun. Dahil ako pa nga mismo ang pumigil sa tauhan kuno mo-" Natigil ang pagsigaw ko nang hilahin ako ni Cid sa likod niya at inabot si Adriel pabalik sa akin. May lumapit din kaagad na guards sa kanilang dalawa at hinihila na sila palabas.

"She would never hurt my son. Know your position Ms. Mino!" Medyo kalmado pero galit niyang sabi.

"Kakampihan mo siya? You don't even know her that well."

"There's no taking sides here. I just know she won't." Confident na sabi ni Cid at ngayon ay nakatingin siya sa akin.

Wala na ngayon yung dalawa. Ang weird lang ng feeling na pinagkakatiwalaan ka niya. I'm happy. Masaya ako dahil mas may tiwala siya sa akin.


Safire and the DavidsonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon