SATD 49
Custody
Buong akala ko ay tapos na kami sa Laguna at uuwi na. Hindi ko naisip na pupunta pa kami dito sa Enchanted. Gusto aliwin daw ni Cid ang sarili dahil magiging busy na ulit siya sa Hotel.
Wala kaming ibang sinaksyan na rides kung 'di ang Ferris wheel. Wala ng masyadong tao kaya naman pag pila namin, kami na agad ang sasakay. Pagkatungtong ko pa lang sa loob, natawa agad ako sa pag uga nung upuan. Sumunod na pumasok si Cid na buhat si Adriel.
Pinaupo ni Cid si Adriel sa gitna namin habang nasa isang side lang kami. Nagsimula nang umangat yung upuan namin.
Pansin kong tagilid ang upuan dahil ang lahat ng bigat ay nasa side namin. Kaya naman umusog ako ng kaunti para balanse. Napansin ko ang pag-iling ni Cid at umusog din. "You're far from us." Medyo napapaos niyang sabi.
Napataas ang kilay ko sa kaartehang naisip niya. Malayo na pala yung pag-usog kong yun. Makalipat nga sa Star City. Ang OA lang.
Nilabas ni Cid ang kanyang cellphone mula sa bulsa. Akala ko may tumatawag kaya niya yun nilabas pero nagulat ako ng itapat niya sa akin yun at narinig ang pag-click ng camera. Sinundan pa yun ng pag-kuha sa aming tatlo. Hindi na ako umangal, masaya naman e.
"We're on the top of the wheel..." Napatingin ako kay Cid nang banggitin yun. Tama nga siya! Ramdam ko yung hangin sa aking mukha at bigla akong nilamig. Minsan nalang din naman ako makakapag-ganito, susulitin ko na. Umiba ako ng posisyon sa upuan at humarap sa tanawin.
Unti unti kong natatanaw ang mga ilaw sa ibaba, ang iba pang nakapaligid sa Enchanted ay kita din. Ang ganda! Yung feeling na minsan malaya ka sa problema ng buhay, ng mundo. Ganun ang nararamdaman ko ngayon.
"I LOVE YOOOOU!" sigaw ko sa kawalan. Nanlaki ang mga mata nung dalawa. Natawa ako at nagsorry. "Madalas wish ang sinisigaw ng iba, o 'di kaya pangalan ng taong mahal nila. Since wala akong magawa. Sumigaw lang ako nun." Pag-eexplain ko.
"So it's just I love you? Nobody special? Nakangusong sabi ni Cid. Hindi ako makatingin sa kanya dahil ayoko mapunta dun ang usapan.
"Adriel, do you like it here?" Kinausap ko siya dahil kanina pa siya tahimik. Tinignan niya lang ako at humikab. Napangiti ako. Inaantok na pala siya. "He's sleepy," Banggit ni Cid at agad na kinandong sa kayang hita at pinatulog dun.
"We'll go home as soon as we're finished." Ngumiti si Cid sa akin, pansin ko rin ang pagod sa kanyang mga mata. Tumango ako.
Anong oras na kami nakarating sa bahay ni Cassiopeia para ihatid ang tulog na si Adriel. Papasok pa lang kami sa pinto ng sinalubong kami ng nanay ni Cid. Naka-cross ang kanyang mga braso at wala ng mas lalamig pa kumpara sa tingin na binibigay niya sa amin.
"Okay na sila?" bulong ko kay Cid. Ayokong magka-giyera sa harapan ko, more or less, mapasama ako dun. Hindi niya pinansin ang tanong ko. Aba.
"You visited...?" Tanong niya dito.
"Yes. She told me you went out with my grandson. I decided to wait." Malumanay niyang sabi. Tinuon niya ang atensyon kay Adriel. "I'll go after I send him off to bed." Kinarga niya ito at siya na mismo ang nagdala sa kwarto. Gusto kong ngumanga sa nakita pero pinigil ko ang sarili. Sumunod sa kanya si Cid.
Nakita ko si Cassiopeia na nakaupo sa may kusina. Mukhang problemado. Nilapitan ko siya.
"Tinanong niya ako kung kailan ako papayag sa kasunduan..." Wala sa sarili niyang sabi. Humina ang boses niya at bigla nalang naiyak. "Wala na akong oras. Ilalayo niya na sa akin si Adriel!"
Nagulat ako sa pag-iyak niya. Dinaluhan ko siya. Narinig ko ang pag-sara ng main door. Nakaalis na siguro ang nanay ni Cid.
"Anong kasunduan?" Hininaan ko ang boses ko.
"Hindi ko alam kung saan sisimulan. Simula ng mawala si Cid, dahil sa hindi namin pagkakaintindihan, dun din ako nakakatanggap ng mga letter mula sa abogado ng pamilya nila. Gusto nilang kunin sa custody ko si Adriel..." Humikbi siya.
"What?!" isang galit na tono ang nagsalita. Sabay kaming lumingon kay Cid. Galit ang kanyang mga mata at nakadirekta ito kay Cassiopeia. "Why didn't you say so? What the hell happened when I was gone?" Puno ng tanong si Cid.
Tanging hikbi ang sagot ni Cassiopeia. Namumula na ang gilid ng kanyang mata. "Tama na muna Cid. Pare-pareho tayong pagod. Pwede nating pag-usapan bukas." Awat ko. "Magpahinga na muna tayo."
Gaya ng hindi ko inaasahan, dito narin kami natulog. May extrang folding bed si Cassiopeia na inilatag sa may sala habang sa sofa pinili ni Cid na mahiga.
Sa paghiga ko, kita kong nakadilat parin ang mga mata niya. Alam kong malaking tanong ngayon kung ano ang balak ng nanay niya kina Cassiopeia. Custody? Magulang din si Cassiopeia. Hindi pwedeng ipagkait kay Cassiopeia yun... Pssh. Ang laking problema talaga nung nanay ni Cid.
Nako Safire, itulog mo nalang yan.
Pag gising ko, naamoy ko agad ang pagkain. Nagluluto si Cassiopeia ng almusal. Ngumiti siya nang makitang gising na ako. Bumangon ako at niligpit ang pinaghigaan. Tulog pa si Cid sa sofa kaya naging mainggat ako sa pagpunta sa kusina.
Nahihiya kong tinanong sa kanya kung saan yung bathroom. Makapaghilamos at mouthwash man lang ako, okay na.
Paglabas ko, tinignan ko ang mga nakalatag na pagkain. Parang ako lang maghanda. Napangiti ako sa pagkakapareho namin. This time, I asked kung gusto niya ng kape dahil nakita ko ang dispenser sa table. Hindi ako pakielamera. Gusto ko rin siyang ipagtimpla ng kape. Tatlong mugs ang ginawa ko. Naalala ko pa kung ano yung preference nung isang tulog diyan.
Natapos din sa pagluluto si Cassiopeia kaya inabot ko sa kanya yung isa. Tinanggap niya ito. "Thanks." Pinagmasdan ko siya. Medyo paga pa rin ang kanyang mata. Nakatulog kaya siya?
"Morning..." Napatingin ako sa gilid ko. Gising na si Cid at kasama niya narin si Adriel. Saan ang runway? Kahit bagong gising ang dalawa, mukhang ready na sila umalis. Nakakainis.
"Good morning," Bati ko pabalik. "Coffee." Inabot ko sa kanya yung mug at kinuha niya yun. Si Adriel naman ay dumiretso sa akin. Inupo ko siya sa chair. Ganun narin ako at sinimulan ang pagkain.
Nakita kong pumasok si Cassiopeia sa kwarto at lumabas ng may dalang iilang envelope na puti. Yun siguro ang binanggit niyang mga sulat. Inabot niya ito kay Cid.
Umupo silang pareho sa tapat namin. Nakita kong isa isa itong binasa ni Cid. Habang sinusubuan ko si Adriel ng pagkain ay nagsimula na silang mag-usap.
"Nakalagay sa conditions na sa kanya ang full custody. I don't want that." Desperado ang kanyang boses. Napasinghap si Cid at tinignan si Adriel. Lumipat din ang tingin niya sa akin at kay Cassiopeia.
"If it's alright with you. I'll take his full custody instead." Presenta ni Cid.
"Pero paano? Everything is fine the way it is. You know how hard it is to fight her when it has something to do with me, Mat. Galit parin siya sa akin."
Huminga siya ng malalim. "I know. Based on these letters, most of their complaints are made up. I don't know how much she paid them to get falsificated documents." Halata sa mukha ang pagkainis.
"The only option left is for you to let me take him in." Kinuha niya ang mug at tumayo. Pumunta siya sa may sala at binuksan ang tv.
Tinignan ko si Cassiopeia. Ang huling sinabi ni Cid ang nagbura ng pag-asa sa mga mata niya. Natigil ako sa pagpapakain kay Adriel. Hinawakan ko ang isang kamay niya.
"Don't worry. Alam kong magagawan ng paraan ni Cid 'to." Nginitian niya ako ng malungkot.
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Fiction généraleRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...