SATD 10
Tagaytay
Dahil marunong naman akong magdrive at may kotse rin naman ako. Sinama ko si Adriel dito sa Tagaytay. Nasa Sky Ranch kami ngayon.
Best place para mag-enjoy... Pati narin siguro magtanggal ng tampo at galit. Napasinghap ako sabay iling. Good vibes lang dapat. Good vibes!
I brought his stroller and his favorite bag of all supplies. Hindi kami nagrides, kahit sa carousel dahil wala naman kaming kasama para mabantayan yung gamit.
Mas pinili kong enjoyin nalang namin yung malamig na hangin. Binilan ko siya ng bonnet mula doon sa bazaar. Mahirap na at baka magkasakit pa siya sa lamig. Pumwesto kami sa isang cottage dun. Habang pinapakain siya ay nakakatuwang makita si Adriel na ngumingiti sa mga nakakapansin sa kanya. Kung iisipin, ay gwapo din itong si Baby Adriel eh.
Nako nako! For sure paglaki nito maraming chicks ang mafafall dito. Napailing ako sa naisip. Umayos ka nga diyan Safire! Ang baby baby pa niyang si Baby Adriel tapos chicks agad? Ni hindi pa nga nakakatungtong ng kinder eh!
Dapat ay maging mabait siya, down to earth at matalino. At hindi ganun sa girls. Nako makukurot ko siya sa singit kapag ganun siya sa girls. Tsk tsk tsk. But alam kong matalino yan at mabait syempre ako nagturo eh. Tinuturuan ko na yan magcount ng numbers. Yun nga lang, hanggang 1, 2 at 3 pa lang ang kaya niya. Haha. At least may alam na.
Nag-iba naman ang ihip ng hangin dahil may mga nagtatanong sa akin kung nasaan ang Papa ni Adriel at kung bakit magisa lang daw ako. Chismosa much? Single parent pala ang peg ko ngayon, ganern? Akala ko naman sweet kaming tignan? Yung tipong mag-ina lang. Yiiiee!
Nagulat naman ako nang may humampas ng braso ko na lola sabay tawa. Mukhang natuwa lang dahil nakita akong inaalagaan si Baby Adriel. Medyo creepy pero may nakapagsabi din na magkahawig daw kami ni Baby Adriel. Moreover, mas marami daw nakuhang side sa akin si Adriel.
Juskolored! Magugunaw na ba ang world? Bakit ganun ang mga sinasabi nila? If they only knew what they were saying. Hahaha!
Gaga ka na naman, Safire? Masyadong natuwa?
*Irap sabay flip ng hair*
Salamat mga fans. De joke lang!
Kita mo nga naman, ang ganda ko talagang yaya no? Ayoko mag-assume kaya hanggang yaya lang ang keri kong iclaim. Sabagay, sa gwapo at cute niyang yan? Hawig daw kami. Bongga!
Naisipan kong mag-picture kami ni Adriel. Kinuha ko yung tablet ko saka kumuha ng sandamakmak na picture dun. Nakikiwacky pa nga si Adriel habang nagpipicture kami. Hinalikan ko siya sa pisngi sa sobrang cutie!
Nagpost pa ako ng ilan sa Fb at Instagram. Lol, marami namang naintriga sa mga kaibigan ko kung kaninong baby daw yung kasama ko. Meron pang mga nagcomment na :
"Ay sino yan teh?"
"Wooooo! Yown oh! Hot mommy si Gaga! xD"
"Ang tarush ni ateng! Papicture picture nalang ngayon. Sarap buhay."
"Parang pinagbiyak na bunga! <3 <3"
Napailing ako sa mga kaibigan ko. Mga loko rin. Nakakatawa pa yung iba dahil kung ano ano pang nakakaloka at mala-out of this world na speculations ang pinaglalalagay nila dun. Hindi na ako magtataka kung bigla nalang ako sugurin ng mga kamag-anak ko at sabihing humarot na ako at nagka-anak pa.
Hahaha. Hindi ko sila nirereplayan.
Dahil sabi nga nila sa showbiz, Less talk, less intriga. Haha!
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
General FictionRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...