SATD 29
Surprise
Nakatulog kami ng matagal ni Adriel. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya napabangon ako at nakitang si Cid yung papasok. May lahi bang salisi ang isang ito? Kung makapasok dahan dahan pa e.
"Anong ginagawa--" Tinakpan niya agad yung bibig ko. Aalisin ko na sana yung kamay niya kaso ayaw niya. Marahan siyang umiling.
"Don't make a sound. I don't want Adriel to wake up. I-I need your help." Di mapakali yung mata niya. Tumango ako at dun niya lang inalis yung kamay niya. May inilabas siyang flowers. Nagulat ako.
Hindi ito nakaayos. Parang bagong pitas lang. Para sa akin--? Inilayo niya sa akin yung flowers at napakamot ng ulo. Tumalikod siya.
Binaba ko agad yung mga kamay ko. Konti nalang at naabot na ng kamay ko yun. Tama, hindi na dapat ako nag isip pa. Pinisil ko ng madiin ang pirasong balat ko sa kamay. Para magising ka na ng tuluyan.
"You see, I was planning to surprise her. A small bonfire by the beach. Can you help me with this?" Saka lang siya humarap ulit sa akin.
"Oo naman, para sa kanya yan?" Tanong ko. Tumango siya at inabot sa akin yun. Para sa Girlfriend, hindi sa yaya. Natawa ako sa katangahan ko.
May inabot din siyang paper bag na naglalaman ng ribbons, tapes at kung ano pa. Gusto niyang ako ang mag-arrange? Ba't ako pa? Pwede naman siyang kumuha ng florist o tao para dun. Shet, bakit pa ako umoo dito. Asar!
"Anong occasion? Monthsary niyo?" Umiling siya.
"Tonight, I'm going to propose to her." Muntik ko nang mabitawan yung hawak kong gunting at yung bouquet. Ang bilis naman ata? Umayos ako at pinagpatuloy ang pagiikot ng ribbon dun sa flowers na binili niya.
"Ah... Congrats in advance." Ang makita kang ngumiti ng ganyan... Okay lang sa akin. Naiintindihan ko.
"Thanks. And by the way, I want you to be there. Nobody else can capture the moment..." Nakatingin siya sa akin. Natigil ako.
Anong klaseng torture ba ito? Bahala na nga. Matagal naman ng wasak ang puso ko pagdating sayo e. Sige na. Sulitin mo na hangga't kaya ko pa. Hangga't kaya pa ng puso ko.
Natapos ko rin balutin yun. Sobrang ganda na nito tignan, at kahit sino sigurong babaeng makakatanggap nito, mapapaoo. Kahit nga ako e, ganun din... Siguro.
Mahimbing parin ang tulog ni Adriel. Nung okay na ay lumabas na kami ni Cid at mabilis tumungo sa beach side. May naka-set up na dun na bonfire at sa di kalayuan sa amin, nakatayo si Angela. Manghang mangha sa itsura nung lugar. Nakalong-dress siya ngayon at parang pinaghandaan niya rin itong moment nila.
Lumapit si Cid sa kanya at nagyakapan sila at may binulong pa si Cid sa kanya. Tumawa ng maliit si Angela at hinampas pa ang braso nito. Wow... Ang sweet naman. Mga ilang minuto rin akong nagintay bago ko napansin na lumuhod si Cid sa buhangin.
The moment he's been waiting for and the time she's been looking for.
Alam ko na agad kung bakit nagtatatalon sa saya si Angela at biglang yumakap sa kanya si Cid. Yes, sa wakas engaged na kami, yan siguro ang nasa isip niya ngayon. Ang bilis di'ba? Napatayo ako ng ayos nung tawagin ako ni Cid. Inabot niya sa akin yung camera... Oo nga pala. Eto nga pala yung trabaho ko dito.
"Nice, ang ganda ko namang camera girl! Haha." Tumawa ako pero hindi naman halatang pilit yun. Nanginginig na yung kamay ko pero pinilit kong ituwid yun at kinuha ang pictures nila. Nakangiti parin ako hanggang sa matapos yun. Nagpaalam na ako at sinabing baka gising na si Adriel kaya nakabalik agad ako sa kwarto.
Magpapanggap akong masaya para sa inyo. Ngingiti ako para ipakita kung gaano ako nasasaktan at hindi ako lalayo para ipakitang suko na ako.
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Ficțiune generalăRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...