SATD 7
Kumot
Nung magising ako, laking gulat ko nung mapansing wala na ako sa sahig at nasa sofa na. Umayos ako ng upo at napansing may nahulog sa sahig. Kumot? Sino namang bumuhat sa akin--Nakita ko si Cid na nakahilig dun sa crib ni Adriel.
Aba matinde. Naka-pajama pants siya at naka white wife beater na pangitaas... Neknek mo Safire. Stay put lang ang mata. Hindi pwedeng ibaba.
Siya ang nagbuhat sa akin dito sa sofa?... Ay ano girl? Shunga lang? Alangan namang si Adriel ang naglipat sayo diyan! Baka nakaya niya? Gosh! I couldn't imagine him carrying a carabao, este baboy. Jusko, nakakahiya naman pero in fairness din talaga... Ang shuweeet naman ni Papa este ni Cid. Hihihi. <3
Tumayo na ako at tumingin sa orasan. Omg. Two na ng umaga! Ganun katagal? Hala! Nalipasan na panigurado si Cid at Adriel! Nagpanic na ako nang maisip yun. Hindi na ako nagbagal pa at agad na inasikaso yung dapat sana na kakainin nung dinner.
Binuksan ko yung ilaw dito sa kusina. It's color orange. Hindi nakakabulag. I repeat, hindi nakakabulag dahil nakakasilaw lang. Dahan dahan at maingat akong kumikilos dito. Takot na baka maingayan sila sa akin maistorbo ko pa yung tulog nila.
Beef steak. Yan yung ulam dapat namin nung dinner.
"Sa breakfast ka nalang..." Kinausap ko pa ang ulam. Kulang pa ito for breakfast.
Kaya naman naghanda na ako nung mga ingredients para sa fried rice, soup at mini fruit salad. Mamaya ko nalang lulutuin mismo yung fried rice para mainit kapag kinain then, para naman dun sa soup.... Hmmm? Magpapakulo nalang ako ng mais tsaka nalang hahaluan ng iba pang pampalasa later. Okay na yun. At least may pampainit ng stomach.
For a little panghimagas kahit na umagang umaga, ginawa ko kaagad yung fruit salad. Kinontian ko lang yung cream para mas angat parin yung fruits then nilipat ko yung salad mismo sa isang container saka nilagay sa refrigerator. All set na for later.
Tumingin ulit ako sa orasan. Four na. Babawi pa sana ako ng kaunti pang tulog mawala lang ito sakit ko sa ulo ngunit nakita kong unti unting gumalaw at tuluyan na ngang bumangon sa pagkakaupo si Cid. Kung kanina ay medyo kalmado pa ako, ngayon wala na sa bokabularyo ko ang salitang kalma. Kung pwede lang ako maging invisible, kanina ko pa ginawa.
"Hooooo. Good morning sayo Safire."Humikab siya pero tinakpan niya ang kanyang bibig bago niya ako binati.
"G-Goodmorning din. Gusto mo ng coffee?" Alok ko sa kanya. Lumakad siya sa may table at saka umupo duon.
"Yes. With no cream and just a little amount of sugar please." Nag-Ok sign ako. Dali dali ko naman siyang pinagtimpla nun at nilapag sa tabi niya. Natagalan pa nga ako sa pagpapakulo nung water.
"Thank you Safire."
Kinakabahan ako at baka palpak yung pagkakagawa ko nung kape niya. Bakit kasi hindi nalang 3 in 1 yung mga nandito? Ininom niya yun ng paunti unti... Ang shekshi! Kumuha narin ako ng kape. Ginaya ko din siya sa mabagal niyang pag inom nung kape. Tila ba savor the moment...
"How is it going along with you and Adriel?" Tanong niya ng nakapikit na ngayon.
"O-Okay na okay. Walang problema. Napamahal na nga ako dun sa bata eh. Hindi ko aakalaing natitiis ako ni Adriel. Haha" Napakamot ako sa ulo sabay ngumiti sa kanya kahit na sa totoo lang ay kabado parin ako dito sa pwesto.
Yung mata ko nagsimulang magtravel pababa mula sa kanyang mukha then papunta dun sa dibdib niya. Napakagat ako sa aking dila. Ang tigas siguro niyan... Muscles pa more. Ibababa ko pa sana yung tingin ko pero natigil ako nang mapansing nakamulat na pala ang kanyang mga mata. At kung minamalas pa ako, nakanguso na siya at tila aliw na aliw sa nakikita niyang paglakbay ng aking beautiful eyes sa kanyang body.
Shet! Yung puso ko! Mamamatay na yata ako! Epekto ito ng kape. Bawal na magkape Safire. Kita mo na yan. Masama sa tao ang kape, I tell you. Safire, remember your breathing hinga hinga technique. Now na. Pumikit ako at tumalikod muna.
"Uh... What are you doing?" Tanong niya sa likod ko.
Shhhh! Quiet. I need some peace.
Nilagay ko sa harapan ko yung mga kamay ko at inistretch yun. Tapos tumingala ako at hinigop ang lahat ng kaya kong higopin na hangin. Sabay, Inhale. Exhale. Inhaaaaaaale! Exhaleeeeeee! Then a little extra whaaaaaaleeee habang pinagtututuro ko yung bawat sulok ng kitchen. Energy girl, energy! Sinipa sipa ko din yung mga paa ko na para bang may may kalaban sa aking harapan.
"HYAAAA!" Sigaw ko. Tapos na. Humarap ulit sa kanya ng tuluyan.
"Hahaha. You're so funny." Tumawa siya at hirap na hirap na pigilan ito kahit anong takip niya sa bibig niya. Feeling ko ang pula pula na ngayon ng mukha ko sa hiya.
"Wag ka nga tumawa diyan. Kainis to!" Mahinang saway ko sa kanya. Mukhang narinig niya naman dahil agad agad siyang tumigil.
Bakit hindi effective yung breathing technique ko?! Kakastress na this! Napansin kong ngayon ay nakatingin na siya sa akin. Wag ka ngang tumingin sa akin ng ganyan! Sa sobrang tunaw ko na kanina pa ako naging likido! Unti unti akong nacoconscious. Ene be!
Kita mo ng kinakabahan ka,, nagawa mo paring lumandi e no?
Ang naisip ko nalang na paraan para maalis yung kaba ko ay inabala ko yung sarili ko sa pagluluto nung fried rice. And this time, mukhang kailangan kong sarapan ng bongga. Mahina kong tinapik ang aking pisngi para magising at magfocus nalang sa ginagawa.
'Umayos ka na Safire kung ayaw mong mafire ka ng literal at agad agaran dahil lang sa kagagahan galore mo.' Saway sa akin ni Consciousness. Umi-Inside out ang peg ni Brain.
I hate you brain, you're so mean kay puso.
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Genel KurguRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...