SATD 31
Picture Frame
Tumagal pa ako ng three weeks. Himala para sa akin ang matagalan na makita araw araw na laging magkasama si Angela at Cid. Na kahit anong explain ko kay Adriel, hindi niya maintindihan na hindi na ako magiging momma niya. Dahil din siguro dun kaya nagdecide ako na magstay pa ng kaunti.
Habang naglilinis ako napansin ko yung picture frame. Napalitan...? Hindi. Pinalitan talaga ang nakadisplay na picture frame dun sa living room. Yung picture na kinuhanan ko sa kanila yung nakadisplay ngayon. Pinapakita ni Angela yung engagement ring niya habang naka-akbay sa kanya si Cid at todo ang ngiti.
I guess, hindi na ako kailangan? Ikakasal narin naman sila any time they want. Kung hindi man maalagaan ni Angela si Adriel... Hindi ko na siguro problema yun di'ba? Sooner or later, mangyayari narin yung napanaginipan ko. Matatapatan na ni Angela ang position ko. Makukuha niya na ang gusto niya.
"Why are you making that face? Why are you frowning?" Napatayo ako ng tuwid ng marinig ang malalim niyang boses sa likod ko. Mabilis kong pinunasan ang mga mata ko kaso huli na nung hatakin niya ako patalikod. Nakaharap ako sa kanya ngayon.
"Wala. Napuwing lang ako." Tamad kong sagot sa kanya. Walang emosyon ang aking mukha pero halata sa boses ko. Langya!
"Don't lie to me." Umigting ang kanyang panga. Galit siya? Inaano ko ba siya? Huminga ako ng malalim. Para matigil na ang lahat there's one way to end this misery of mine.
"Then anong gusto mong gawin ko?" tumitig ako sa mga mata niya. Naaawa ako. Para sa sarili ko. Sa tuwing nakikita ko ang mga mata niya, pinapaalala lang nito ang posisyon ko sa buhay nila. Sa buhay niya.
"I don't want you to make that face again. It's making me worried." Natawa ako ng mahina. Ayaw niyang nalulungkot ako pero hindi niya alam na siya mismo ang dahilan kung bakit? #ManhidNaNgaTangaPa. Aabangan ko later pag nagtrending yan sa twitter.
"Don't laugh when I'm seriously talking to you." Hinawakan niya ako sa braso. Nilihis ko ang tingin sa kanya. Naramdaman kong humigpit yun.
"Nasasaktan ako." Impit kong sabi. Hindi parin siya bumitaw. Nakarinig kami ng isang stuffed toy na tumunog. Nilingon ko kung saan nanggaling yun.
"M-Momma?" Shoot! Nakita ni Adriel yun?! Nakaupo siya sa carpet ngayon, nakatingin sa aming dalawa ni Cid. Bumitaw kaagad siya sa hawak niyang stuffed toy at tumakbo papunta sa Papa niya.
"Bad Papa! Bad! Away mo Momma?? Bad Papa!" Umiiyak na siya ngayon. Pinaghahampas niya yung legs ni Cid. Binuhat ko agad si Adriel.
"Shhh... Hindi galit Papa kay Momma. Naguusap lang kami ni Papa. Love ako ni Papa. Di'ba Papa?" Pinapatahan ko siya habang matalim kong tinignan saglit si Cid. Hindi siya makatingin sa akin ngayon. Tinap niya ang ulo ni Adriel at hinalikan sa ulo bago umupo sa sofa.
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Fiksi UmumRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...