SATD 39
Backpack
Kinabukasan. Naiwan ako sa bahay. Pumasok sila Mom and Dad sa work. Si Ate naman humaharot. Nagdate sila ng boyfriend niya. Tss, kayo na partner partner. Napatingin ako dun sa painting namin. Buhangin... Boats... And Coconut trees.
May naisip ako na idea! Nagready na ako ng gamit at naligo. Dumating si Sal saktong paalis na ako sa bahay. Sumeryoso ang mukha niya.
"Saan ka pupunta?"
"Sa Palawan." Kumunot ang noo niya.
"Mag-isa ka lang? Baka anong mangyari sayo. Saka alam na ba ito nila Tita? Ni Tito? Ng ate mo?" Ako naman ang napakunot ng noo sa kanya. Kailangan talaga buong pamilya?!
"Kung makapagsalita ka naman parang highschool ang kaharap mo. 21 na ako, kinulang lang sa height. Magbabakasyon lang ako dun. Hindi lalayas. Sige na, kailangan ko ng umalis. I wanna see the beaches! The sand and everything!" Naglakad ako palabas.
"Delikado. Sasama ako sayo." Seryoso niyang sabi at sumunod sakin.
"Hala siya... Nainggit ka naman agad. Sige ba, basta ikaw sasagot lahat. Hahaha" Pero deep inside me, 'Wag ka na sumama. Gusto ko muna mapag-isa para mag-enjoy.' with matching tirik na mata.
"Okay sige. Daan tayo sa bahay. Kunin ko lang wallet at cellphone ko. Yun lang sapat na... Ah mali. Ikaw lang, sapat na." Ngumisi pa siya.
Sumimangot ako at tumalikod pabalik ng bahay. Hinatak niya naman yung strap ng backpack ko kaya hindi na ako naka-alma. Sana pala hindi nalang ako nagsalita!!!
- 2 hour and 30 minutes later -
Nasa Palawan na kami. Tumagal lang yung travel dahil sa delayed yung flight. Inaantay namin yung pick up. Pinagmasdan ko si Sal. Seryoso at tahimik lang na nakaupo. Ni isang bag wala siyang dala. Siguro, ayos narin na may kasama ako... Kung hindi nga lang siya yun.
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
General FictionRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...