SATD 9
Nakalimutan
Buti naman at nakauwi narin siya. Pansin ko kasi, masyado siyang busy sa work recently at madalas ay gabing gabi na siya nakakauwi but despite the busy world of his work, katulad nalang ngayon ay pilit niya paring binibigyan ng time si Adriel.
Na-aamaze talaga ako sa kanya. How he can manage to balance his work and his time with his son? Dahil dun ay mas bumilib ako sa kanya. Because simply being there for Adriel, it's a part of him na hindi niya nakakalimutan.
Also, he's now a part of my routine too. Part of my responsibilities. Kaya for me, hindi ko sila pwedeng pabayaan. Masayang tumakbo si Adriel nang makita niya ang kanyang Papa. Niyakap siya ni Cid. Habang inabala ko muli ang aking sarili sa gawaing condo...
Mas naging close kami ni Adriel ever since I moved in with them three days after. Dahil madalas daw pag gabi ay hinahanap ni Baby Adriel yung presence ko. Sa guestroom niya ako natutulog.
Yes, nakikibaby narin ako dahil yun naman ang totoo. Baby naman talaga siya. Kiniliti ni Cid si Adriel dahilan kung bakit ito tumatawa ngayon. Naglalaro sila ng peek-a-boo. Ang makitang masaya sila... Masaya narin ako.
Kahapon ay nagpromise sa amin si Cid na aalis kami today para mailabas si Adriel since halos sa buong week ay hanggang sa park lang o kaya sa may rooftop lang kami nakakapunta ni Adriel. Kaya nagready na kaming dalawa bago pa siya dumating. Kitang kita ang excitement sa mukha ni Adriel, syempre makakagala na naman siya.
Hapon na at kakarating lang ni Cid galing trabaho. Kung kanina ay naka coat and tie siya ngayon naman ay nakapang-alis siya. Mabilis lang yung pagpalit niya. Nakita ko pa kung paano siya nagpabango at nagayos ng buhok sa tapat ng salamin. Hindi ako umimik kahit na nakaupo na ako sa tapat mismo kung saan siya nakatayo. And by the looks of it...
Masyadong occupied si Cid sa kanyang pagaayos dahil ni isang bati ay wala. Usually nagsasabi siya ng 'I'm home', o kaya naman... 'Kumusta na kayo ni Adriel?' Bago ko pa siya matanong kung saan pupunta ay nakaalis na siya.
Malungkot kong tinignan si Adriel na readying ready na para umalis.
"Mukhang nakalimutan ng Papa mo na may lakad tayo ngayon ah?..." bulong ko. May ibang lakad si Cid? Iba ang kutob ko pero sana mali ako. Hindi naman kaya...? NO! Baka may aasikasuhin lang siyang importante... Hay nako! Tama na yang pagiisip mo ng kung ano Safire.
"Di bale, mukhang busy lang si Papa mo kaya tayong dalawa nalang muna ha. Babawi nalang siya next time..." Ngumiti ako kay Adriel na ngayon ay mukhang nagtatakha rin kung bakit bigla nalang umalis ang Papa niya.
Agad kong binuhat ni Adriel pati narin yung bag kung saan nakalagay yung mga kailangan niya. Nginitian niya lang ako na para bang talagang naiintindihan niya ang mga sinabi ko. He's just three years old! My goodness!
"Hindi ko na alam kung matutuwa ba ako dahil ganito ang posisyon ko sa buhay mo Adriel..." Lalo na siguro sa kanya. Gusto ko mang kalimutan ang nangyari nung isang araw... Hindi ko magawa. Masayang bagay yun.
Tulad ng sabi sa akin ni Dad at Mom,
"Ang magagandang bagay na nangyayari sa buhay mo ay dapat pinapahalagahan at hindi dapat kinakalimutan. Dahil pagdating ng araw, magiging ala-ala nalang ang mga ito ngunit ang maganda dun ay masaya ka nung mga oras na yun. Yun ang masayang balikan lalo na pag nalulungkot ka."
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Ficțiune generalăRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...