SATD 4

16.7K 309 2
                                    

SATD 4

Husband material

Isang linggo, simula nung tanggapin ko ito. Medyo inaalalayan pa nga ako ni Cid sa mga pasikot sikot sa lugar nila. Pati narin sa mga house chores na kasama sa mga gagawin ko sa condo niya. Binigay niya kaagad sa akin ang isang checklist booklet that's good for two months. It's all about the schedule and activities that we talked about.

"So... can you share something about yourself?" tanong niya sa akin. Naglalakad kami ngayon sa labas ng building habang tulak tulak ko naman yung stroller ni Adriel. Mahimbing ang tulog nito habang nasa bibig pa yung bottle ng milk.

"Something? Hindi naman interesting ang buhay ko." Iling ko at natawa ng mahina. Why is he curious sa buhay ko? Ang boring kaya!

"Ikaw nalang ang magshare. Masyado kang mysterious para sa akin eh" sabi ko. Ngumiti siya bago nagpakawala ng hangin.

"Well, my life started good and then bad. I was able to reach my dreams and pursue what I want. Later on, Adriel came into my life. Everything changed since then. It was hard for me to adjust... I mean, how will I take care of a child? A baby? I didn't even know how I will feed him nor change diapers when he was younger."

Kung ibabase sa tono ng kanyang boses ay parang ang bigat na resposibilidad ni Adriel ah? Para bang hindi niya inaasahang dadating ito sa buhay niya. Curious tuloy ako kung nasaan ang mommy ni Adriel. Kahit gusto ko yun itanong ay mas pinili kong manahimik at makinig nalang.

     Marami rami din siyang naishare sa akin. Nalaman kong isang businessman si Cid. He runs his own hotel for goodness sake! Kung uso ngayon ang RK, para sa akin siya na ang RM. (Rich Man!) Hindi ko inakala yun dahil pag nasa condo naman siya ay casual lang ang kanyang suot. Isama narin ang aura niya. Hindi mo iisiping may ari ng hotel ang isang ito. Mahilig din siya sa Business and Travel. Pfft, ano pa bang aasahan ko? Malamang yun ang kadalasang escape nila sa busy nilang mundo. Nalaman ko din na may isa siyang kapatid na babae. Mas bata ito ng dalawang taon sa kanya. Kung siya'y 25 na ngayon, ibig sabihin ay 23 na yung nakabatatang kapatid niya?

Kinaya ko yun ng walang calculator! Achievement! So we have a four years age gap then? I'm 21... Yakang yaka! Pak na shet mga chong!

"Nasaan yung kapatid mo ngayon?" Tanong ko.

"As of now, hindi ko alam. But I must see her. Soon I hope." Medyo pabulong yung huli niyang sinabi kaya hindi ko na narinig. Hmm... Isa pang tanong sa kanya Safire! Gora lang.

"Bakit ka nga pala english ng english?" Tumingin siya sa akin at tinawanan ako. Aba aba! Pang clown na pala ang peg ng mukha ko. Isang tingin lang ay natawa na siya!

"Why? Nakakailang ba?" Nagtagalog nga siya kaso may accent parin. Medyo nakakairita. Para tuloy siyang conyo na nagpupumilit.

"Pfft. Kahit pala anong gawin mo mas bagay nga na magenglish ka nalang." sabi ko na tuwatawa. Tumawa din siya at nagshrug. Lumingon ako sa kanya.

Kung bibigyan ako ng asawa... Sana kamukha niya. Ang gwapo niya kasi tapos ang successful pa sa buhay. Dun ko lang naisip na Husband material si Cid. Oo, husband material talaga. At dahil diyan nachachallenge ako na pagbutihin pa ang pagaalaga kay Adriel pati narin sa gawaing bahay. Mali pala, gawaing condo nalang para match sa lugar!

Safire and the DavidsonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon