SATD 30
To make you happy
Niyaya ako ni Sal kinabukasan na samahan siya. Lalabas daw siya kaso wala siyang kasama kaya ako ang naisip niyang isama. Gawin ba naman akong tour guide? Dinala niya ako sa Cafe malapit sa Q.C.
Habang nandito kami sa Cafe kinuwento ko sa kanya itong trabaho ko kay Adriel.
"You really changed. It seems like malaki ang naging epekto ng batang 'yan sayo. Gusto ko siyang makilala." Gusto niya rin daw mameet si Adriel?
"At bakit naman?" Kinuha ko yung cup ng cappuccino na inorder niya para sa akin. Awkward nito. Promise!
"Tinitimbang ko kung pwede ka na mag-asawa." Nakangisi siyang sabi. Kumunot ang noo ko. Ayan na naman siya. Ang hilig maglagay ng spotlight sa tao. Ang hirap dahil wala pa siyang sagot na natatanggap sa akin.
"Tsk. Ayoko nga. Mamaya awayin mo pa yun! Ikaw pa naman yung tipong pumapatol sa mas bata pag napipikon!" Kung pwede lang magbiro ngayon.
"Hahaha. Ang tagal na nun. Nagbago na ako. Ikaw, nagbago ka rin naman... Gumanda ka nga lalo..." Habang patuloy siyang nagsasalita di ko maiwasang tumitig sa kanya.
He's the guy who would do everything to make you happy. May kung anong bumulong sa akin. Siya nga ang lalaking bagay sa akin pero may nagsasabi din sa akin na parang may iba. May mali, may kulang.
Hindi siya si Cid. Binura ko kagad sa isipan ko yun.
Ikakasal na yung tao. May fiancee. Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na suko na ako. Ugh! Respeto nalang, Safire. Respeto dun sa tao, respeto sa kasama mo at respeto para sa sarili. Kahit yun nalang, itira mo para sa sarili mo... Naramdaman kong may humawak ng kamay ko kaya nabalik ako ang atensyon ko.
"Ayos ka lang?" Si Sal. Nagaalala ang kanyang mukha.
"Sorry... May naisip lang ako." Umayos ako at ngumiti. Nagiba ang expression ng mukha niya. Nakangiti na siya ngayon. Sumipol siya at dumungaw sa window.
"You know what? May pupuntahan tayo." Tumayo siya at marahan akong hinila palabas. Sumakay kami sa kotse niya at dinala sa isang building. Napansin kong puro ktv and bars ang mga katabi nito. Sumunod lang ako kay Sal.
Pagpasok namin ay isang stage ang sumalubong sa amin. May mic stand din at gobos light. Kakaiba itong lugar. Unlike other entertainment places, merong space para magphotobooth kasama ang isang box na puno ng wigs at iba pang costume. Nilibot pa ng mata ko ang ibang gamit dito. May xbox din at kinect. Woah... All in one pala dito eh. Makapagpaparty nga minsan. Nagtakha lang ako kung bakit may pole dun. Wtf? Seryoso ba sila?
"Sumasayaw ka?" Lumingon siya sa akin. Natawa siya at lumapit dun sa pole at nagiiikot dun. Hindi pa nakuntento at kumuha pa ng feather boa at sinuot sa leeg niya. Loko talaga!
"Music please!" Nagsnap siya ng fingers. Sinunod ko ang sinabi niya at nagplay ng song dun. New Thang by Red Foo. Face palm. Dapat pala hindi ko nalang sinunod.
"Pole dancer going wild be like! HAHAHA!" Sigaw ko sa kanya. Shet na yan. Nagtwerk pa ang loko! Tawang tawa ako sa kalokohan niya. Hindi ko rin inasahan na kakantahan niya ako.
"Mas bagay yan." Nagfigure siya ng smile. Ngumiti lang ako at kinuha yung isa pang mic. Nagduet kami. Kung ano anong hugot songs yung pinagkakanta namin. Tinuro ko din sa kanya yung kantang pinili ni Adriel nung nagswimming sa Batangas.
Ngumiti siya at bigay todo sa pagkanta. Nakatingin siya sa akin habang sinasabi ang mga salitang, "I'll wait for you, Safire. I won't rush you. Take your time." And lastly, binigyan niya ako ng bulaklak kahit fake yun, natuwa ako.
Pinasaya niya ako ngayong araw. Ang makasama siya today... Nakalimutan ko pansamantala yung sakit sa dibdib ko. Nakalimutan ang mga bagay na dapat hindi ko na pinagtutuunan ng pansin. Gusto ko namang sumaya! Bakit hindi nalang ikaw Sal? Bakit siya pa?
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Ficción GeneralRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...