SATD 47
Adriel
"You don't have to be jealous, you know? And you're moody today. I wonder what happened..." sabi niya pagkatapos ako halikan. Tinulak ko siya at ngumiwi.
"Hindi ako nagseselos." Ang lakas ng loob niyang manghalik sa harap ng iba... Aba walang ka-privacy privacy. Bwiset! Pwede niya namang sabihin. Tss.
"Then let me tell you this straight. I wanted to kiss you because I love you. Happy now?" Maamo ang kanyang mukha ngayon. Kailan ka pa naging tuta Cid?
Hindi ko siya sinagot at umupo ulit. Pinapakalma ang sarili. Saka lang ulit ako nagsalita nung maisip na hindi kami dapat nagaaway pa. I'm sure na problema palang sa family nila, sobra sobra na. "Hindi ako masaya. I want to see Adriel. Namimiss ko na siya."
"Now, I'm jealous. You miss my son too much. How about me?" Naparoll yung eyes ko sa sinabi niya.
"Goodness naman Cid. Si Adriel yun. Really? Besides, y-you're different!" Nawala ang lungkot sa kanyang mukha at ngumisi sa akin.
"Fine. Let's go pick him up. But first we need to go back and get my car from the airport." Siya na ang nagdala nung iba kong gamit.
Nang makarating kami kung saan nakatira sa Cassiopeia, nagulat ako sa pagiging simple ng lugar. Mas normal pa sa bahay namin yung itsura ng bahay niya. Pinindot ni Cid yung doorbell ng dalawang beses. Wala pang ilang segundo ay narinig naming bumukas ang pinto.
Si Cassiopeia ang nasa likod nun at nanlaki ang mata niya. Sumulpot din si Adriel dito at agad na sumigaw ng Papa at Momma sa amin. Napatingin ako sa expression ni Cassiopeia, mababaw na ngiti iyun. Alam kong masakit yun.
"Pasok kayo." Tuluyan niyang binuksan yung pintuan at pinapasok kami. Hinila agad ako ni Adriel sa kamay at pinaupo sa sofa. Dahan dahan din siyang umupo doon.
"Mish you Momma!" Niyakap niya kaagad ako. Ganun din ako pabalik sa kanya. Napatingin sa amin si Cid ng nakangiti bago hinarap si Cassiopeia.
"May kailangan ba kayo?" tanong ni Cassiopeia pero sa akin siya nakatingin.
"We'll be taking Adriel and we're off." diretsong sabi ni Cid. Agad napalapit sa amin si Cassiopeia. Napailing ako. Dapat talaga magkabati na sila. Kami maiipit nito ni Adriel pag hindi sila nagkaayos today.
"Cid, mag-usap muna kayo ng maayos ng kapatid mo." Rinig ko ang pagtikhim niya. Aarte pa, e siya din naman ang naaapektuhan.
Lumipat kami ng lugar ni Adriel. Hindi rinig masyado ang paguusap nilang dalawa sa living room. Nagfocus ako kay Adriel. Niyakap ko ulit siya. Grabe, sobrang namiss ko 'tong makulit na 'to. Kumawala siya saglit sa yakap ko. Tuwang tuwa siyang bumalik at pinapakita sa akin ang mga laruan niya. Bigay siguro ni Cassiopeia.
"Toys ko Momma oh. Cars. Broooom." Nilaro niya yun. Ngumiti ako. Nakakaproud ka talaga baby ko.
"It's already settled, we should leave now." Pagkasabi ni Cid nun ay napatingin ako sa kanya. Ang bilis naman ata nila ng magkaayos? Tumayo ako at binuhat si Adriel bago lumapit sa kanya.
"Okay na kayo?" tanong ko. Tumango siya at hinalikan si Adriel sa noo.
"Akin na muna si Adriel para mabihisan ko. Ipaghahanda ko narin siya ng gamit." Sabi ni Cassiopeia. Inabot ko sa kanya si Adriel na mabait namang sumunod.
Alam na alam na aalis ah? Napangiti ako.
Nung ready na si Adriel, kinuha na namin ni Cid ang inimpake ni Cassiopeia. Nagpaalam kami sa kanya saka umalis ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Narrativa generaleRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...