SATD 41
Call
Pinagtabi ko yung legs ko at hiniga ang ulo ko. Hindi naman mahirap mahalin ni Sal. Kung mamahalin ko siya, ayaw kong isipin niya na rebound siya. Nakakafrustrate! Hinampas ko yung buhangin. Nalulungkot ako!
Why are you making that face? Why are you frowning?
What the heck...
I don't want you to make that face again. It's making me worried.
I'm hearing his voice. Tss. Galing lang ng timing. Natawa ako ng mapakla.
Don't laugh when I'm seriously talking to you.
Edi wow... Sakto pa talaga. Bakit ba kita minahal Cid? Bakit mo tinigil ang engagement niyo ni Angela? Para saan?
I wanted to--
You wanted to ano? Ugh! Ano ba kasing ibig mong sabihin Cid? Lubayan mo na ako please? Ang daya mo naman e! Tama na... Napahawak ako sa magkabilang tengga ko at pumikit. I need to get over him.
"Masakit ulo mo?" Napaangat ang ulo ko. Nandito na pala siya at basa pa ang kanyang katawan. Inabot ko ang tuwalya at binalabal niya ito.
"Hindi. Gusto ko lang magpahinga." Umupo siya sa tabi ko.
"Ayaw mo ba muna mahiga sa cottage? Baka napagod ka sa biyahe."
"Hmm... Sige. Yun nalang muna siguro gagawin ko." Tumayo ako at pinagpag ang buhangin sa katawan ko. Tumayo din siya at sinamahan ako pabalik sa cottage.
Gusto niya ako samahan pero sabi ko na magswimming pa siya kung gusto niya. Masasayang lang yung oras kung babantayan niya lang ako sa pagtulog. Bago humiga ay naramdaman ko ang pagvibrate ng bag ko. Binuksan ko yun at nakita yung phone ko. Nagbiblink ang ilaw nito. May tumatawag sa akin na unknown number. Pinindot ko yung answer button.
[H-Hello?... Safire?] Ang boses ng kapatid ni Cid ang nasa linya. Ay grabe. Nasa Palawan na ako't lahat nakaabot pa dito? Hindi ba niya ako titigilan? Ibababa ko na sana yun nang marinig ulit ang boses niya.
[Bago mo ako babaan... I just want you to know na hindi naging okay ang lahat. Nagkausap na ba kayo ni Cid?] Huh? Nagtaka ako sa huling sinabi niya.
"Last time na nagkausap kami ay yung araw na iniwan kita sa hospital..." sabi ko.
[Hindi parin kasi siya bumabalik sa condo. Ilang beses kitang sinubukan tawagan pero hindi mo sinasagot. Nung araw na yun, dinala niya sa bahay si Adriel at umalis ng walang sabi. Kinocontact ko siya pero wala. Tinanong ko narin sa Hotel kung nakita nila si Cid. Walang balita tungkol sa kanya--]
"Ano? Anong nangyari? Kamusta na si Adriel--??" Narinig ko ang pag-agaw sa telepono.
[Momma? Momma!] Ang marinig ang boses ni Adriel sa kabilang linya... Nakakamiss. Nakangiti ako ngayon kahit nasasaktan ako sa pagtawag niya sa akin nun. [Hewo Momma! Adiel ito. Hewo? Momma! Moooooma? (Adriel give me the phone. Kailangan ko makausap si Safire.)] Rinig kong sabi ni Cassiopeia.
[Safire, pasensya ka na. Hinahanap ka niya. Matalino si Adriel. Kahit magkamukha o magkaboses tayo... Kilala niya kung sino ang totoo. ] Hindi ko alam kung anong sasabihin dun.
"....Okay lang. So ano na nga ulit yung nangyari? Bakit nawawala si Cid?"
[Ah yes. Ang totoo niyan, hindi ko na alam. Kaya ako napatawag dahil nagbabakasakali ako na baka nagusap kayo.]
"Nagmiscall siya nung nakaraan lang. Imposibleng... Shoot! Wait, gawin mo ang lahat ng kaya mo. Check your emails or whatever. I'll check my connections. Nandito ako ngayon sa Palawan."
[Sige sige, tatawag nalang ulit ako.]
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Ficțiune generalăRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...