SATD 28
Insecure
"Hey... Safire di'ba?" Sa tono niya palang alam ko na ang dahilan. Tumango ako. Pinagmasdan ko ang itsura niya... Nakasunglasses pero wala namang araw. Nakabikini tapos walang pangover-all. Masyadong exposed yung legs at dibdib. Sino bang shokoy ang sineseduce nito? Kakaloka.
"You know already na kami na right?" tanong niya na parang papatay. Sinasabi ko na nga ba at kukutaban ng kung ano ang isang ito. Hindi ko alam kung eenglishin ko ba siya o tatagalugin.
"Oo. Bakit?" Diretso ang aking tingin sa kanyang mata. Baka isipin pa nitong wala akong alam. Nagcross arms siya.
"Make layo layo sa kanya please lang ha. You're making me galit. You're not the girlfriend but he helped you kanina. You're so lampa naman. What I know is alalay ka lang nung kid niya. Your role is simply a yaya. " Sinimangutan niya ako at kita ang pagbabago sa kanyang mukha.
"Huh? Hindi naman ako yung lumapit sa kanya para magpatulong." Sasapakin ko 'to. Sinubukan kong kalamahin ng bongga yung kilay ko dahil konti nalang, aarangkada na. "At isa pa, ikaw narin ang nagsabi. Hindi ako ang girlfriend niya, ikaw. Wala akong ibang intensyon o rason sa pagsama dito kundi si Adriel."
"Oh okay! It's better if clear. I don't like mangaagaws and bitches. But, you? You're a good person! It's okay." Ginulo niya ang buhok kong nananahimik at tinaptap niya pa yung ulo ko bago umalis ng tuluyan.
Bumalik na ako sa loob. Tinabihan ko si Adriel sa kama. Buti pa itong baby ko, behave lang at hindi sakit sa ulo. Yung Papa mo, hala jusko! Hindi pa nakuntento sa magandang yaya at temporary Momma ng anak niya.
Yes, yaya lang ako. Wala akong laban. Siya yung girlfriend, bakit pa siya naiinsecure? Nasa kamay niya na ang isang Cid Mathieux L. Davidson. Ano ba ang kinakatakot niya?
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Ficción GeneralRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...