SATD 8

11.5K 214 3
                                    

SATD 8

Picture

"Baby Adriel! Let's go take a bath na!" Masigla kong tawag sa kanya. Lumingon siya sa akin at nagpout. Ang cute cute talaga ng isang ito! Handa na yung bath tub niya. Warm water. Mukhang machachallenge ako sa pag-yaya sa kanya na maligo na ay binuhat ko na siya at nagtungo na sa bathroom. Naglaro pa siya dun saglit habang shinashampoo ang kanyang ulo. Mabilis ko siyang pinaliguan. Yakap yakap ko siya ngayon gamit ang tuwalyang may karakter ng isdang sikat dahil sa pagkidnap di umano.

Binihisan ko siya ng pang-alis, utos ni Cid. Kahit ako ay nagbihis narin. Nagdecide siyang kumain kami sa labas. As expected, sa iisang restaurant na may pagkamahal yung kakainan namin.

Nalaman kong favorite ni Adriel yung mashed potato dahil kulang nalang ay mahubaran ako sa kakahatak niya sa sleeves ng damit ko tuwing tapos niya ng kainin yung sinubo ko sa kanya. Sinaway naman siya ni Cid dahil nakita nito na ganun ang ginawa ni Adriel sa akin. And now nagmemake-face silang dalawa sa isa't isa. Nakakunot ang noo ni Baby Adriel habang nakanguso samantalang si Cid ay ginagaya niya ito pabalik. Natawa ako sa kakulitan nilang dalawa.

Maya maya pa umalis narin kami dun at nagpunta sa Mall. Nasa may babies section kami. Gusto kasi bilhan ni Cid si Adriel ng mga bagong damit dahil sumisikip na ang mga damit na sinusuot nito. Ang bilis kasi lumaki ni baby e!

"Ang sweet niyo naman."

"Ilang taon na yung baby boy niyo?"

Iilan lang yan sa mga sinabi nung mga nakakasalubong namin dito. Hindi ko alam pero, nakakatuwang isipin na para kaming couple ni Cid. Hindi naman gaanong pinansin yun ni Cid at ngumi-ngiti lang sa kanila...

Nang nabayaran na ni Cid yung mga binili niya ay naglakad lakad kami sa ibang stores. May kumuha naman ng atensyon ko habang naglalakad dun. Nakita ko ang isang picture frame ng mag-asawa. Naka-wedding attire pa sila at nakangiti...

Umiling ako at nalipat ang tingin sa kabilang banda. Mayroon naman doon na picture kung saan family sila. Naka-akbay yung lalaki dun sa wife niya habang ang mga braso nila ay nakayakap dun sa dalawa nilang anak na nakaupo. I could just imagine...

Imagine what if ako yung babae at si Cid yung lalake. Tapos yakap namin pareho si Baby Adriel. Pfft! As I have said, imagination lang yun. At ang imagination ay hanggang sa utak lang. Hindi kailanman mangyayari sa reality. Kaya girl, dream on--

"Hey!" Rinig kong tawag ni Cid sa akin.

Nakadungaw pa si Adriel mula sa kanyang stroller na nakatingin sa akin. Natawa ako sa kanilang dalawa. Napansin niyang naiwan ako sa tapat nung store na yun. Mabilis akong sumunod sa kanilang dalawa ni Adriel. Pero nagulat ako nung iikot ni Cid yung stroller at tuwang tuwa naman si Adriel na gustong magpakarga sa akin. Ginawa ko ang gusto niya.

"You're interested to have a picture?" Tanong ni Cid sa akin. Hindi pa ako nakakasagot ay bigla niya nalang akong hinila papunta sa loob nung store na yun. Sa bilis nung pangyayari, ngayon ay nasa harapan na kami nung camera at sabi nung photographer na mag pose na kami. Nakakahiya! Ni hindi ako makalapit dun sa dalawa. Hello?! Ang awkward kaya!

Para namang nabasa ni Cid ang laman ng isipan ko nang bigla niya akong hinila palapit sa kanila. Pati si Adriel ay nakikihila din gamit ang maliit niyang kamay. Natawa ako sabay ayos ng itsura... Oh well, photogenic naman ako. Push ko na ito. Minsan lang mag-feeling asawa ni Cid.

"One.... Two... Three... Shout Happy Family!" Pagbigyan niyo na ako dahil sa moment na ito... Para talaga kaming isang Happy Family.

May mga sumunod pa kaming shots ng picture. Naka-wacky kami. Tuwang tuwa si Baby Adriel kapag nagfaflash yung camera. Di tulad ng ibang baby, halos lahat ng picture namin ay nakatawa at nakangiti siya.

At dahil nga RM si Cid ay binili niya lahat ng picture namin pagkatapos nung photoshoot. May dalawa dun ay pina-frame niya pa. Isa yung silang dalawa lang at yung isa naman na nakalagay sa mas maliit na frame ay yung favorite ko.

Yun yung pinapangarap kong family picture. Sa picture na yun, pareho kaming naka-halik ni Cid kay Adriel sa pisngi. Ang kaso nga lang ay umeksena si Adriel by putting up some 'Sunggay' on our heads while smiling really big. Ayos lang sa akin. Basta ba mukha naming tatlo ang nandodoon.

Habang tinignan yung dalawang picture frames... "I'll display them. It's too good to be kept away." Sabi niya. Hindi ko inaasahang bigla nalang tumalon yung puso ko sa sinabi niya. Ididisplay niya daw itong mga picture! Ewan ko kung bakit ang saya ko sa simpleng bagay na yun. Natuwa ako pero napalitan din ng hindi ko alam.

Never ko pang naranasan ito. This weird feeling inside of me.


Safire and the DavidsonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon