SATD 32

7.8K 159 0
                                    

SATD 32

Shattering truth

     Naging okay muli nang tumahan si Adriel. Naglalaro siya sa kabilang kwarto. Pinili naming ipagpatuloy ang usapan sa bakanteng room ko noon. Iniwan niya paring nakabukas yung pinto para kita parin namin si Adriel.

"I know. Alam ko kung anong posisyon ko sa buhay niyo. But this is way overdue, Cid. Way too much. Ngayong may fiancee ka na, isn't it time na umalis na ako?" Suminghap ako. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na magsalita.

"I heard from you and your mom's conversation before. I am similar with your sister and Adriel's mother. I'm not stupid. I figured it out all along. Iisa lang sila hindi ba? Adriel's mother or whoever she is. Hindi na ba siya babalik?" Rinig kong tumikhim siya. Nakatingin lang siya sa akin habang nagsasalita ako.

"Sana naisip mo rin na hindi panghabang buhay, kaya kong magstay sa side ni Adriel. Lalo na kung dahil lang sa magkamukha kami ng nanay niya or what. Tell me the truth Cid. I don't really care kung saan nagsimula ang lahat. All I care about now is how I'll be able to leave Adriel without repeating what happened before in the hospital. Masyado na kaming close, inseparable. Nakita mo naman siguro kanina. It's getting deeper and natatakot ako para sa kanya. Ang bata pa niya for heartaches, to experience being left or broken again."

"I wanted to--" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya sa pagbukas ng pintuan.

Shit lang. Sa lahat ng pwedeng makakita sa amin, si Angela pa! Nanlaki ang mga mata niya ng matagpuan kami. Umalis ako mula sa kwarto bago pa magkagulo. Kiniss ko si Adriel sa noo bago tuluyang lumabas. Narinig kong nagaaway na sila pagkasara ko ng pinto.

Nagmamadali kong nilakihan ang bawat hakbang ko. Nanginginig ang mga kamay ko nung abutin ko yung susi ng kotse ko sa bulsa.

"STOP!!" Hindi ako huminto nang marinig ang boses niya. Nabuksan ko na yung pinto ng kotse. Papasok na ako nang hatakin niya ako pabalik. Lagi nalang ba kaming magtatalo?

"Listen to me. I-I...I broke up the engagement."

"Hindi mo kailangang gawin yun!" Marahas ko siyang sinampal. Nagmarka ang palad ko sa pisngi niya. Nilayo ko ang kamay ko sa kanya. "S-sorry... Nagkamali na naman ako." Tumungo ako.

"I want you to meet her." Nagulat ako sa sinabi niya. Nilabas niya ang phone niya at may kinausap siya dun. "I need you to have a talk with my sister. She'll tell you the truth you want to hear. She's already on her way."


Safire and the DavidsonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon