SATD 23
Imposible pero
Lumabas muli ako sa pintuan at chineck kung nasa tamang unit ba ako... Tama naman. Napakamot ako sa ulo at dahan dahang pumasok ulit.
"Who are you?" Nakataas ang kilay niya habang tinatanong ako. Ang taray naman. Sino ba 'to? Hindi ba't dapat na ako ang magtanong sa kanya nun? Tinignan ko siya ng buo. Sophisticated, intimidating at hindi approachable. Obvious naman kung bakit.
"I'm Safire Puso." Tumawa siya saglit bago ako tinuro.
"You... You don't lie to me! How can you say that to your own mother!?" Napaatras naman ako sa pagtaas ng boses niya. Mother?? Eh sa pagkakaalam ko, hindi siya ang nanay ko. Napansin kong kaming dalawa lang ang nandito. Luh! Nasan na yung mag-ama?
"Hindi naman po ako nagsisinungaling." Grabe lang ha. Ni hindi nga kami magkamukha. Ang layo layo layo! Takas ba sa mental ang babaeng ito? Umupo ako sa tabi ng dining table. Hindi ako mapakali. Para akong nakapasok sa isang den ng halimaw. Binaling ko nalang yung atensyon ko sa biniling mashed potatoes.
After 5 minutes ng nakamamatay na katahimikan. Nakahinga ako ng maluwag nung marinig kong bumukas yung pinto at sila Cid yung pumasok. Buhat buhat niya si Adriel.
"Ma! What brings you here?" Tanong ni Cid pagkatapos yumakap at humalik sa pisngi nung babae. Sunod niya akong binalingan. Nanay niya yan? Ba't hindi halata?
Sinulyapan ako ni Adriel. Nagtatampo parin siya... Nag-sad face ako pero pinakita agad sa kanya yung dala ko. Unti unti siyang ngumiti at gumalaw para pakawalan ni Cid mula sa pagkakabuhat. Lumakad siya patungo sakin at pinaupo sa lap ko.
Nagcross arms yung nanay ni Cid bago sagutin yung anak niya.
"Well, I waited for you. I didn't know you found her already. I am amazed with her tactic... pretending not to know me. She even changed her name." Kung itak siguro ang boses niya, kanina pa siguro ako nasaksak dito. Aba'y malay ko po sa inyo mother-in-law--este Mrs. Davidson. Pwe!
"No... Ma, you don't understand..." hinila ng marahan ni Cid yung nanay niya palayo sa amin. Tumingin pa siya saglit sa akin bago ulit kausapin yung nanay niya. Ramdam ko yung pagtaas ng balahibo ko sa sobrang talim tumingin ng nanay niya. "...We're not together. She's here to vist Adriel. She's not who you think she is... They're different."
Sumilip ako sa kanila. Parang stress na stress si Cid kakakumbinsi sa nanay niya. Ang strange lang nung pinaguusapan nila. Bakit kaya? Hindi naman sa gusto kong marinig yung usapan pero sila na mismo yung nagtaasan ng boses.
"Adriel called her 'Momma' because they look the same! I know. They look so similar sometimes I forget she's Safire at times. Don't worry Ma, I'm only keeping her close for Adriel's sake."
Natigilan ako sa pagpapakain kay Adriel nung marinig yun mula kay Cid. Nanahimik ako sa pwesto. Pero nabalik din ang atensyon ko sa pagsubo kay Adriel ng mashed potato nung hatakin niya yung sleeves ko.
Para akong bumubuo ng invisible puzzle sa isipan ko mula sa nalaman ko sa usapan nila. May isang tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ngayon.
Ano bang nangyari noon?
May dalawa namang nabubuong sagot sa isipan ko. Hindi kaya...? Imposible pero hindi ibig sabihing hindi pwede.
---------------
Comment at vote naman kayo diyan.
Haha. Ang tahimik e. :))
Thank you!
- FourTwelve
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Narrativa generaleRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...