SATD 22

8.4K 176 0
                                    

SATD 22

Hospital

Hindi ko inasahan ang tawag niya nung on the way na ako papuntang Nagtahan. Kumanan na ako agad at minadali kong dinarive yung kotse at nakarating sa hospital address na sinabi niya. Kausap niya yung doctor kaya hindi na ako lumapit. Dahan dahan akong pumasok sa room na may sign sa labas. :

ROOM 210

Davidson, Adriel

Nung makita ko yung lagay niya tumulo basta yung luha ko. Pumayat siya at hinang hina ang itsura. May nakakabit din sa kanya na dextrose. Bakit ka nagkaganito, baby? Nawala lang ako ng ilang linggo ganito kita maabutan? Hindi ka ba naaasikaso ng Papa mo?... Umupo ako sa tabi ng kanyang kama.

Hinawakan ko ang kamay niya at paulit ulit na hinalikan yun. "Nandito na ako sa tabi mo. Si M-Momma mo ito." Naiiyak kong bulong sa kanyang mga kamay. Sorry ako ng sorry.

Pinunasan ko ang mga luha sa aking mata pero kahit anong gawin ko ay naiiyak parin ako. Rinig kong pumasok si Cid sa pinto. Marahan ko siyang nilingon.

"Y-You're here." Nagulat siya ng kaunti na makitang nandito ako. Tumabi siya sa katabing upuan. Nakatingin siya kay Adriel ngayon.

"Anong nangyari? Bakit siya nagkaganito?" Tumahimik ako para pakinggan ang sasabihin niya.

"His body had a hard time adjusting. I did my best to make sure he's okay but his intense crying and wailing... not wanting to be fed ended flaming up his tonsils." Nalaman ko rin na sa dalawang linggong nawala ako, kapag pagod na si Adriel kakaiyak, dun lang siya nakakatulog. Umiiyak at nagwawala kakahanap sa akin. Hindi ko natupad yung promise ko kay Adriel. Napakuyom ang aking mga kamay. Hindi ko alam kung kanino ako ngayon galit.

Kung sa kanya ba dahil pakiramdam ko ay pinabayaan niya si Adriel... O sa sarili ko dahil iniwan ko si Adriel sa piling niya.

Umalis din ako pagkatapos makausap yung doctor. Ang sabi ng Doctor sa akin ay mas mabilis makakarecover si Adriel kapag kasama ang mother. E ano pa ba ako ni Adriel?... Kaso naguguilty ako sa nangyari kay Adriel... Ayaw ko yung nabubuong ideya sa isipan ko.

Dinischarge si baby Adriel from the hospital after three days. Nag-request ako kay Cid. Pinayagan niya ako para sa kapakanan ni Adriel. Hindi katulad ng dati ay hindi na ako nagste-stay ako sa condo nila. Tuwing Friday, Saturday and Sunday lang ako pwede bumisita sabi ni Cid. Okay lang sa akin yun pero nakakapanibago. Akala ko rin magiging madali ang lahat dahil maaalagaan ko ulit si Adriel pero nagtatampo siya sa akin.

Today, bibisita ako kay Adriel. Bumili pa ako ng mashed potatoes para makabawi bago pumunta. Pagbukas ko ng pintuan may babaeng nakaupo sa sofa. Who you?


Safire and the DavidsonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon