SATD 11
Wala pa
Napansin kong dumidilim na yung mga ulap. Mahirap na at baka maabutan pa kami ng gabi. Inayos ko kaagad yung gamit ni Adriel at umalis na dun. Sa gitna ng biyahe lang nakatulog ng mahimbing si Baby Adriel. Nagplay kasi ako ng classical music sa cd player. Effective naman. Two hours din yung travel time sa sobrang traffic.
Nagpark na ako at dahan dahang kinalas yung seatbelt ni Baby Adriel. Nilabas ko muna yung stroller bago siya nilagay dun. Kinuha ko narin yung bag saka nilock yung kotse.
Pagpasok ko sa unit, madilim sa loob. Wala pa siya? Anong oras na ah?
11 pm.
No choice ako kundi ang samahan muna si Adriel hanggang sa dumating si Cid. Hinanda ko na yung crib na tutulugan ni Baby Adriel at hiniga siya dun.
"Sleep tight, Baby Adriel. Lagot sa atin si Papa mo pag uwi niya. Ako na bahala dun, 'kay?" At kiniss siya sa noo. Iniwan kong nakabukas yung pintuan nung kwarto niya para nakikita ko parin siya kahit na nasa malayo ako.
Pinatay ko yung ilaw para hindi mainit. Para malibang naman ako ay binuksan ko nalang yung Television. Hininaan yung volume. Kung ano anong kalandian ang nakikita ko bawat lipat ng channel. Nakakaloka! Approaching na ang halloween in a few weeks pero hindi nakagetover sa valentines ang mga staff nung stations. Nilipat ko ito sa MTV, mas malala pala. Umuulan ng mga pangsenti moments. Isang lipat nalang talaga at kapag ito puro kaechosan na naman--
Nakita kong bumukas yung pintuan kaya napatayo ako bigla. Nag-cross arms agad ako, tinaas ang aking beautiful kilay sabay switch mode on. Mataray dapat Safire. Yung in character talaga.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko sa kanya. Pataray effect. Mabilis niyang binuksan yung ilaw kaya medyo napakurap pa yung isang mata ko. Walanjo! Ang sakit sa mata!
"Oh, you're here!" medyo gulat pa ang mukha niya nung makita ako. Oh, you're here? No, I'm there! Bakit? Ayaw mo?
"Wag ka mag-alala, aalis na ako since nandito ka na. Hindi ko lang maiwan si Baby Adriel kaya nandito pa ako." Kahit na medyo tumaas yata yung blood pressure ko hanggang bubong. Kinuha ko yung bag ko at lumakad na papunta sa pintuan kung nasaan siya. Tinatanggal niya pa yung sapatos niya pero bigla niya namang hinarang yung daanan gamit ang braso niya.
"No, stay for tonight. Please stay, Safire."
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Bakit?
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
General FictionRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...