SATD 18
Iba
Pareho naming hawak sa magkabilang kamay si Adriel habang naglalakad papunta sa kung saan kami daldalhin ni Cid.
"Salamat Cid." sabi ko sa kanya.
"For what?" Tumaas ang isa niyang kilay habang nakangiti sa akin.
"Para dun sa nangyari kanina lang. Pinagtanggol mo ko dun sa dalawa e."
"It's the right thing to do. Besides, I know you're harmless." tumawa siya.
Napansin kong binibilisan ni Adriel yung lakad niya at hinahakbang ng mas malayo yung mga paa niya. Inisway sway pa niya ang mga kamay namin ni Cid pero nagulat ako nung biglang pinagtabi niya yung mga kamay namin ni Cid.
"Momma, hold Papa." Ay nako talaga tong si Baby! Pasaway ka na, pero cute parin.
"Hold my hands. Come on, don't be shy." Nang-aasar niyang nilahad yung kamay niya. Isa pa tong Papa mo Adriel ah!
"Easy ka lang baby Adriel!" Ngumuso ako at natawa nung makitang binalik din niya sa normal yung paglalakad niya at ngayon ay nakatitig na sa akin.
"You sure do know how to handle him, huh?" Si Cid naman ngayon ang nakatingin sa aming dalawa. Ano ba ito? Part 2 nung kagabi? Shigee ne nge. Grab the opportunity na itey!
Nilagay ko yung kamay ko sa kamay niya. Pinagsalikop niya yung mga daliri namin. Naramdaman ko kaagad yung init nung palad niya at hindi magaspang. HHWWSKL na ito. Holding Hands While Walking Sabay Konting Landi.
"Say... What if you can be Adriel's mother--?" Napabitaw ako sa pagkakaholding hands namin. Mabilis kong binuhat si Adriel at naglakad ng mas ahead ng konti sa kanya.
"Syempre naman, okay na okay yun. Di ba role ko yun? I'm his 'Momma'. Kaya nga close na kami ni baby Adriel eh."
Masaya sana makipagholding hands kaso medyo nakakailang na bigla. Malaki ang respeto ko sa Mom ni Adriel. Hindi ko alam ang background niya. Ni hindi ko alam kung kasal ba sila... Mamaya maging third party pa ako, etc. Malabo pero hindi imposible.
Sa private pool niya kami dinala sa Roof deck mismo ng hotel.
Enjoy na enjoy si Adriel na magtampisaw sa swimming pool. Nagpalit rin ako ng pangswimming. One piece lang then naka-shorts ako. Ayaw naman kaming samahan ni Cid dahil wala raw siyang pamalit. If I know, gusto niya lang kaming panoorin na magswimming ni Adriel eh!
Habang lumalangoy kasama si Adriel. May napansin ako. Sa tuwing napupunta ang tingin ko sa kanya o sa mga times na nagkakatinginan kami ng diretso sa mata, nagwiwish ako ng dalawang wish. Paulit ulit yun sa aking isipan.
Dalawang napaka-bipolar na wish.
Kaya winish ko na sana mawala nalang itong nararamdaman ko. At kahit masaktan naman ako sa pangalawa kong wish.... Na sana sa iba nalang na babae. Cid. Sa iba nalang. Pero kung hindi yun effective, edi aamin ako kahit alam kong hindi pwede. Alam ko namang tatanggihan niya ako.
Mas okay yun. Mas gugustuhin ko pa yun kesa mahulog ako sa kanya pero hindi niya naman ako masasalo. Isa lang ang masasabi ko, ayaw kong masaktan. Yun ang totoo. At kung tatagal pa ako dito, na kasama siya, lalalim pa ito. Mahihirapan lang ako.
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Aktuelle LiteraturRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...