SATD 6

13.7K 261 3
                                    

SATD 6

Salutation

     It's Saturday pero naka-formal attire na siya. Si Cid talaga... Grabe naman yang trabaho niya. Ganyan ba talaga kapag sa hotel? Wala ng pahinga? Aalis din daw siya maya maya. But then dahil dun, magkakasama ulit kami ni Adriel ng matagal.

Wala na ngayon si Cid at lumabas kaming dalawa ni Adriel para naman makapagbonding pa kami. Ngayon ay masaya ako at tinutulak si Adriel habang nasa swing. Nakaupo siya dun sa pang babies lang. Humahagikhik siya sa tuwing sinasalubong niya ang hangin. He's so makulit at cute talaga! Hay...

Habang pinapanood siyang tumatawa, napapaisip ako na what if ganito rin kacute yung magiging baby ko in the future? Kaso, mukhang imposible! Haha. Dahil maski isang manliligaw e wala ako.

Kaya minsan... Pinupush ko nalang talaga sapat na ang single, maganda at matalino kesa nasa isang relationship ka nga, hindi ka naman masaya o kaya wala ka namang assurance. Tama naman diba?

     After ng 30 minutes ay bumalik na kami sa condo. Dun naman kami naglaro ni Adriel ng mga toys niya. Pinakain ko narin siya at pinagpahinga. Heto na naman po kami sa classical music na favorite na favorite ni Adriel. Mukhang nag-enjoy naman siya dahil hanggang sa pagutulog ay nakangiti siya.

Balak kong intayin si Cid sa paguwi niya mamaya pero bago ang lahat ay gagawin ko muna ang mga kailangan kong gawin. Ang magplantsa ng mga damit nila, ang maglinis nung banyo at ang ayusin yung kamang hinihigan ni Cid. Maid na maid ang dating, pero keri na to. Mas maluwag pa nga siya compared sa ibang amo.

Weird. Ngayon ko lang narealize na wala akong address sa kanya. Yung salutation kuno. Pero hindi ko rin naman alam kung ano talaga ang role ko. Mommy ay turing sa akin ni Adriel pero ginagawa ko rin ang mga bagay na pang maid din halos. Hindi naman sa sinasabi kong hanggang maid lang yung mga ganun... Hay nako! Ang weird weird talaga ng set up namin.

"Natapos ko rin sa wakas!" Papunas punas pa ako niyan ng pawis. Pagod much. Para akong nagzumba at marathon combined. Nagpahinga ako ng mga 20 minutes bago naligo at nagpalit ng damit.

Nilapitan ko yung crib kung saan natutulog si Adriel. I can't help but feel as if nanay na talaga ang peg ko for him. Yung nga lang, extra moments din ang pagiging maid. Hinaplos ko ang kanyang pisngi bago umupo at tumabi sa kanyang crib kahit na sa sahig na ako. Hindi ko na kaya yung pagod... Makatulog na nga muna.

Safire and the DavidsonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon