SATD 45

7.7K 144 0
                                    

SATD 45

Arrival

"Umiyak ka tuloy dahil sa akin." sabi ko habang pinupunasan ang pisngi niya. Natahimik kami pareho. Pagod siyang ngumiti at lumabas ulit ng cottage.

Binaling ko ulit ang tingin ko sa screen ng laptop ko. Alam ko hindi okay ang situation. Pero hindi nabanggit ni Cassiopeia na may alitan pala silang dalawa. Kaya iniwan sa kanya si Adriel? Anong pinoprove mo Cid?

Tss. Kahit na medyo hindi ko pa feel na makita siya despite sa mga nireveal niya sa akin, may side pa rin na gustong marinig kung ano man ang sasabihin niya. Kinilick ko yung reply button at nagtype.

To: CMLDavidson@gmail.com

From: Safireheart143@yahoo.com

Meet you at the airport by 4:00 pm.

See you in two days.

- Puso, S.

Message sent.

Pinatay ko yung laptop ko at sumunod kay Sal. Nasa may buhanginan siya. Nakaupo at may sinusulat na kung ano. Dahan dahan ko siyang nilapitan. Sinilip ko kung anong nakasulat dun.

BEST friend. Paulit paulit yun.

Konting push pa, longest sentence na ang dating. Sabi ko na e. Nageemote ang isang ito.

"Oy! Bawal ang malungkot dito. Nagaattract ka ng bad vibes! Good vibes lang dapat. Nandito tayo para magpakasaya. Besides, hindi lang naman ako ang babae sa mundo. Malay mo nandyan lang pala sa tabi tabi." Tumalon ako sa likuran niya at yumakap sa kanya. Tumawa ako sa expression niya. Parang aatakihin sa puso e.

"Kung makatabi tabi ka, para mo akong pinamimigay. Tandaan mo kahit magbestfriend hindi nawala sa akin na maging protective. Kung masaktan ka ulit sa kanya. The ring still stands." Ngumuso ako.

"Gawin ba namang pansalo yung singsing? Ang drama. Alam mo, feel ko gutom lang yan e. Tara at kumain tayo. Kanina ka pa nakabilad sa araw at tubig dagat e. Mamaya may manghila sayo diyan na sirena, mawalan pa ako ng kasama dito."

"Wala akong gana."

"Asus, wag ka na magtampo diyan. Ang tanda mo na." Tinutulak ko siya para tumayo pero ayaw niya. Huminga siya ng malalim bago magsalita.

"Safire, puntahan mo siya."

"Pinapalayas mo na ako agad? Ni hindi pa nga tayo umaabot ng 12 hours e. Saka na. Two days pa bago ako umuwi sa Manila." Hinila ko siya. Buti naman ay hindi siya nagpabigat.

"Let's enjoy Palawan munaaaa!" Pasigaw kong sabi. Bigla niya akong binuhat na parang prinsesa. Okay narin 'to. Mababali na yung tuhod ko sa sobrang injured at kakalakad e. Haha.

2 days after...

     Worth it yung time namin sa Palawan. Buhangin lang siguro ang pinaka-marami kong naiuwi. Haha. Souvenir. Naglighten up din si Sal. Hindi na siya nagtampo dahil ginawa ko ang lahat para maging masaya kami. Tipong no holds barred. Joke! May limits parin at hindi niya naman vinaolate ni isa.

Location : Airport (Domestic -Arrival Area)

Kanina pa nag-land yung Airplane at ngayon palabas na kami ng Immigration. Malayo pa lang, natatanaw ko na siya. Nandito si Cid! Casual lang ang attire niya ngayon. Khaki shorts and a white T-Shirt then the men sandals. Wow lang ah. Parang magbe-beach lang.

"Lapitan mo na. Baka magbago pa ang isip ko at pigilan ka." Bulong ni Sal. Ginulo niya ang buhok ko.

"Nakakainis ka Sal! Wag ka nga."

"Anong gusto mo? Magselos ako tapos mag-away tayo? That's the last thing na gusto kong mangyari." Sumeryoso siya saglit at ngumiti ulit. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Go for it. Back up mo ako kung kailangan ng taga-bugbog. Haha." Hinampas ko siya sa braso. Hindi pa ako nakikita ni Cid dahil ang tingin niya ay nasa ibang pasahero.

"Ikaw talaga! Sige na. Bye. See you later!" Nauna na siya sa akin. Nagulat naman ako nang huminto siya sa tabi ni Cid.

"Ingatan mo. Mahal ko yan." Sabi ni Sal kay Cid. Narinig ko yun!

Kumunot ang noo ni Cid tila naguguluhan sa narinig. Nagprocess naman ata sa isip niya kung sino ang tinutukoy ni Sal, tumalikod pa siya para tignan kung nandun pa si Sal. Pero wala na siya. Panira moment ka Sal!

Lumingon si Cid kung nasan ako nakatayo. Nung magkatinginan kami, umaliwalas ang kanyang mukha. Naglakad na ako. Alangan namang makipag-patintero pa ako sa kanya nito.

"I'm glad that you're back..." Salubong niya sa akin.


Safire and the DavidsonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon