SATD 36
Pagod
Niyakap niya ako at nagpasalamat bago umalis. Okay lang sa akin... Kaso, sana man lang naisip niya akong tulungan dito. Parang ni-ransack yung condo e.
Iba talaga pag anak mayaman. Sanay ng may tagaligpit. Sinimulan ko ng ayusin ang dapat. Tinapon ko na rin yung mga hindi na pwedeng gamitin pa. Isa isa kong dinakot yung mga bubog na nagkalat. Tumagal din ako ng dalawang oras sa pagliligpit.
Since tapos na, aalis na ako. Ito na siguro ang araw na pinaka-nawindang ako. Naaksidente, nasampal at nanampal ako. Puno ng iyakan, confession dito at doon. Di kaya end of the world na? Pero joke lang yung end end na yan. Walang may alam nun. Tss. Stress lang ito. Stress lang...
Sa susunod kasi Safire, wag mo nang pairalin ang puso mo. Nakakatawang isipin na Puso pa naman ang apelyido mo pero ang hina hina niyang sayo. Yes, pagod na pagod na ako sa lahat ng bagay. Pagod na maglinis. Pagod na makipagaway. Pagod nang umintindi. Pagod nang magmahal.
Yung mga actions niyang walang ginawa kundi ang guluhin ang puso ko? Tss. Sino ang niloko ko? Sarili ko lang din. Pinapaalala ko lang sa kanya ang kapatid niya. Ang kasalanan nilang dalawa.
How funny is that? E kahit siguro kasing galing ko na si Cooking Mama sa pagluluto o kaya si Chichay sa paglilinis wala ring pupuntahan yung effort ko. Umattend attend pa nga ako ng seminars e... Saan ako ngayon? Lababo.
Ngayon alam ko na yung totoo. E ano ngayon? I don't know kung anong gagawin ko. It's only a part of what I know at hanggang dun nalang yun.
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
General FictionRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...