SATD 37

7.8K 143 0
                                    

SATD 37

Lean on me

     Pinark ko yung kotse ko sa isang parking lot malapit sa amin. Ayoko umuwi sa bahay. For sure aawayin lang ulit ako ni Ate for being stupid at mapupuno naman ng tanong mula kina Mom kapag nakita nila ang mga sugat at bandages ko sa katawan.

     I decided na magstay nalang muna dito... Umupo ako sa ibabaw nung hood ng kotse ko. Napabuga ako sa hangin at napatingin sa langit. Ang daming bituin. Habang pinagmasasadan ang mga ito... narealize ko na masama rin pala akong tao. Dahil hanggang ngayon, wala parin akong lakas ng loob para sagutin siya.

     Nagulat ako ng may naakatayo na pala sa gilid ko. Hinatak niya ako sa pulso. Asar naman... Sa lahat pa talaga ng timing siya pa ang nakakita sa akin ngayon.. Si Sal.

"What happened? Saan mo nakuha yan?!" Nagaalalang tanong niya. "Saka gabi na, ba't nandito ka sa labas??"

     "Ah... Wala 'to. Natisod lang ng bongga sa damo. Nagpapahangin kasi ako." Ang tanga lang Safire eh no? Halatang hindi totoo!

"Kilala kita kaya hindi mo kailangang maglihim. Sabihin mo kung anong nangyari... Ang mabuti pa, sumama ka bahay. Dun ka nalang muna kung ayaw mo sa inyo." Mainggat niya akong hinawakan sa kamay para isama pero tinanggihan ko ang alok niya.

From that point on, alam kong nasasaktan ko na siya kahit wala pa akong sinasabi. Nakakasakit na naman ako ng taong malapit sa akin. Yinakap niya ako ng mahigpit kaya napaaray ako ng maliit. "S-Sorry." Umatras siya ng kaunti para bigyan ako ng space.

"No. O-Okay lang, ako dapat ang magsorry. It's been a long time and hindi pa kita nabibigyan ng proper reply--" Natigilan ako sa pagyakap niya muli. Magaang pero secured na yakap. Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Humihikbi na ako sa pag-iyak.

     "I can wait longer... Nandito lang ako. Hindi kita pipilitin sumama. Hangg't hindi ka okay. Hangg't hindi mo nailalabas ang dinarama mo ngayon." Hinagod niya ang likod ko.

     "Hindi ko na alam, Sal... Hindi ko intensyong saktan ka." Huminga siya ng malalim at hinaplos niya ang ulo ko na para bang sinasabi niya... You can lean on me. Magiging okay rin ang lahat.

     Imbes na umuwi na sa kanila, mas pinili niya magstay. The whole time, sinamahan niya ako sa loob ng kotse. Naaamaze ako sa sarili ko because I never found it awkward ngayong nakayakap siya sa akin. All I thought was, Finally, somehow may nandyan para sa akin. Someone who cares.

Hindi ko na napigilan na sabihin sa kanya ang mga nangyari today. Simula sa nakausap ko ang kapatid ni Cid, hanggang sa mabangga ako dahil sa hindi nagiisip yung stoplight and the story goes on hanggang sa makatulog na kami.

     Mga 4 am ako nagising dahil sa lamig. Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa... Low batt na yun pero nagulat ako sa sunod sunod na miscalls at text na dumating dun. Halos lahat ay galing kay Cid. May galing din kina Ate na hinahanap ako, tinatanong kung nasaan na ako. Shoot... Di nga pala ako nagpaalam kahit sa text man lang. Babangon na ako nang mapansing nakapulupot ang isang braso ni Sal sa tiyan ko. Tss... Medyo clingy.

     Napangiti ako dahil hindi parin siya nagbabago. Gusto niya yung ganyang position ever since then. Mahilig mangyakap, naalala ko tuloy yung mga kawawang unan niya. Iintayin ko nalang siya magising.


Safire and the DavidsonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon