SATD 25
Dinner
Nakakapagod mag drive. Pagpasok sa bahay tamad kong binagsak yung katawan ko sa sofa namin. Bahala si Ate dun. Pinagod niya ako.
Naiisip ko na naman si Adriel... Tss. Hindi ako makabisita sa kanya. Ayoko muna pumunta sa unit ni Cid. Baka mamaya nandun na naman yung nanay niya. Jusko lang... Awat muna sa question and answer portion no!
Hinila ako ni Ate papunta sa kusina. Oo na, ako na mabait. Tinulungan ko siyang iligpit yung mga pinamili sa pantry saka naghanda ng lulutuin. Habang hinahalo yung gelatin, hindi ko maiwasang isipin kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit galit yung nanay ni Cid--"Sunog na gelatin mo!" Malakas na pinalo ni Ate yung balikat ko. Shet! YUNG GELATIN! Mabilis kong pinatay yung apoy. Ugh! New batch na naman 'to. Bwiset!
Dinner time.
Nagtakha ako kay Ate. Bongga nung pagkakaayos niya sa table eh. May pa-center center piece pang nalalaman. Manok yun na kulay silver. Aba'y matinde! Umuwi pa talaga sila Mom for this? Pinagdress din ako ni Ate.
May nagdoorbell at laking gulat ko na makita ang pamilya ni Sal. Kasama din siya. Nakasemi-formal at pang business meeting ang get up. "Ate... Nandito na sila Sal." Pinapasok ko sila.
"You look pretty in that dress." Ngumiti si Sal kaya natawa ako. Bolero!
"Thank you." Nagbow pa ako ng parang princesa. Nagtawanan kaming dalawa at sumunod sa loob.
Kung pagmamasdan siya, ibang iba na talaga siya ngayon. Kung dati ay magkasing tangkad lang kami, mas matangkad pa siya sa akin ngayon. Sabagay, perks of being a guy. In fairness, gumwapo narin siya. Haha.
Tinawag agad ni Ate sila Dad. Kanya kanya kami ng upo. Magkatabi kami ni Sal. Pansin kong lahat sila nasa kabilang side halos. May allergy ba sila sa akin? Ganun ba ako kaganda? Ang layo nila e. Buti pa tong si Sal, hindi lumipat dun. Haha! Oh well, iba talaga pag maganda.
Tahimik lang ako nung magsimula na kumain. Usap lang ng usap sila Mom kina Tita tungkol sa States. Si Ate naman nakakatakot. Kanina pa siya nakangiti sa akin. Ang creepy!
"I would like to ask..." Nagsalita si Sal kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Lumingon naman siya sa akin at kinuha ang kamay ko.
"Safire, will you marry me?"
Natigilan ako sa dessert. Wait, Ano?? Gusto akong pakasalan ni Sal? Kanina lang kami nagkita tapos kasal agad? Seryoso ba siya?
May nilabas siyang box na kulay dark blue. Binuksan niya yun at nilahad sa harapan ko. Isang silver na singsing ang nasa loob nun. Mukhang mamahalin din sa dami ng maliit na batong nakalagay dun.
Seryoso nga siya. Paano na ito?
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
General FictionRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...