SATD 35
Words of Wisdom
"H-Hanggang ngayon, pinagbabayaran ko parin ang mga kasalanan ko. For Cid's mom, ako ang sumira ng lahat. It was only half the truth. Naduwag ako kaya isa lang ang naisip ko. Ang takbuhan yung problema. Ilang taon akong wala sa tabi ni Cid habang siya ang nagpalaki at nagalaga kay Adriel... He found me two weeks ago... Galit na galit siya sa akin. To pay for it he didn't want me to see my son..." Lumungkot ang mga mata niya.
Somehow naaawa ako sa kanya dahil ganun ang naisip ni Cid kaso hindi na magbabago ang isip ko. Mas pipiliin kong masaktan para lang maitama ang dapat. Hindi ako iiyak. Hindi ako gagaya sa mga walang kwentang tao walang ginawa kundi pahirapan ang iba para lang sa pansariling kapakanan.
"S-Saan ka pupunta?" Heto na naman siya. "Safire magagalit sa akin si Mat pag hinayaan kitang umalis!" Ang laking harang. Dinaig pa ang Great wall of China. Kaya ako napapahamak e!
"Pwede ba! Tumabi ka sa dinaraanan ko kung ayaw mong madagdagan ang sugat mo. Wala na akong pake simula ng inisin mo ako." Sa taas ng boses ko feeling ko lumabas pati ugat ko e! Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan dun. Hindi ko siya pinansin at tuluyan ng iniwan ang ER.
Nagtaxi ako para mapabilis. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagpunta ako sa condo. Last na ito, gusto kong kausapin si Angela. Kung ano man ang meron sa kanila ni Cid, kanila na yun. Concern lang ako para kay Adriel.
Pagpasok ko sa pinto, magulo na sa loob. Wala sila Adriel. Basag yung t.v. pati narin yung lampshade. Ang mga nananahimik na kurtina, punit punit na at nasa sahig. Nagkalat din ang mga damit. Anyare??
Natagpuan ko si Angela, nakaupo siya sa silya malapit sa dining table. Pansin kong may iilang sugat siya sa kamay. Siya siguro may gawa nito. Grabe pala pag galit ang isang ito.
Umangat ang kanyang tingin at sa akin yun nakadirekta. Nagulat ako nang sugurin niya ako at sinampal. Napahawak ako sa pisngi ko... Ang sakit nun ha! Bakit ba lagi ako ang sumasalo ng sakit?! Kanina nabangga na ako tapos ngayon sampal naman.
"YOU!! YOU MAKE SIRA MY ENGAGEMENT! Akala ko good ka!!" Napailing ako sa kabaliwang naisip niya. Ni wala nga akong sapat na ebidensya kung bakit ginawa ni Cid yun e. Malay ko ba kung totoo talaga ang namagitan sa kanilang dalawa?
"Hindi ako ang sumira ng engagement niyo. Kaya ako nandito ay para makausap ka. Kumalma ka muna at bitawan mo yang hanger." Pang ilang ulit ko na ba ito sa isang araw na mapaaway? Nakakaloka na ha!
"Are you making insulto sa akin?? Why go here? Wala si Cid dito." Nanlilisik sa galit ang kanyang mga mata.
"Alam ko. Hindi naman ako bulag--Tss! Tumahimik ka muna nga at naririndi lang ako sa boses mo e. Pakinggan mo muna ako bago ka magalburoto diyan. Ako na mismo nagsasabi, mali si Cid para sirain yung engagement niyo. But seriously, kung ako sayo... Hindi ko siya pipilitin. Dahil hindi ko kayang magpakasal sa isang tao, kapalit ang kayamanan niya. Lalo na kung para din naman sa iba yun.-"
"What's your pake kung ganun?! Hindi mo knows ang story ko!" Tss, tigas din isang ito. Siya na nga tinutulungan.
"Ang gusto ko lang sabihin, why sacrifice yourself para sa iba? Hindi kita ganun kakilala, aaminin ko dahil totoo... I don't know kung anong kakayahan mo. But why not find another solution? Hindi ko man alam kung ano exactly ang pakay mo kay Cid. But I feel na napipilitan ka lang din sa sitwasyon niyo. Though natutunan mo siguro siyang mahalin along the way, hindi ba unfair sa sarili mo yun?"
"B-Because... I-I make promise na kay Dad that I'll make salba the company. I'm scared na magagalit siya sa akin if hindi ko naaccomplish yun." Naluluha niyang sinabi. Hindi niya parin ako gets.
Huminga ako ng malalim at tinignan siya sa mata.
"There's more than one way to face him and his company's problem. Kung hindi mo hahanapan ng ibang paraan, then I have one word for you. Tanga. Yun ka ngayon dahil nagpapadala ka lang sa gusto niya." Nagsalubong ang kanyang kilay at aamba na naman para sampalin ako pero napigilan ko siya. Ang brutal talaga nito. Mahapdi pa nga yung pisngi ko sa isa eh.
"Magpasalamat ka na lang siguro kay Cid dahil malaya ka na... Kung nanghihinayang ka, hindi rin kita masisisi. Nagmahal ka e. Pero hindi lang naman siya ang mayaman na lalaki sa mundo, maski sa Pilipinas. Hindi rin nangangahulugan na dapat pumatol ka sa isang lalake para lang dun. I'm sure, may ganun ding lalake na dadating sa buhay mo. Bonus nga lang yung part na mamahalin ka niya ng totoo at tama." Umiiyak na siya ng todo. Ghad lang!
"Sorry, ang dami ko ng sinabi. Tara... Mukhang masakit yang kamay mo. Gamutin natin. Sinampal mo na ako, hindi ka pa nagsawa. Saka marami raming pag-aayos pa ang gagawin ko ngayon all thanks to you." Ngumiti ako ng mapakla at kinuha yung First Aid.
Bakit ba minsan, napakabait slash masokista ko? Sinampal na ako, binigyan ko pa ng words of wisdom. Tapos ngayon ginamot ko pa yung kamay niya. Adik lang no? You're definitely weird, Safire. Definitely weird.
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Fiction généraleRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...