SATD 12
Puyat
"Bakit kailangan ko pa magstay? Anong oras na. Masasabunutan na ako ni Ate pag hindi ako umuwi."Angal ko.
"I'll talk to her tomorrow. I'll explain. Just stay for tonight." Seryoso niyang sabi.
Wow, tignan natin kung makayanan mo yung sabunot fury ni Ate ko. Jusko, halos makalbo kaya ako the last time na ginawa niya sa akin yun. To think na ang dahilan lang e nakalimutan kong bilhin yung ice cream niya. Harsh lang sa anit ko!
Tinignan ko siya. Sa totoo lang antok narin ako. Pinipigilan ko lang alang alang kay Baby Adriel kanina. Hay... Kahit na nakakatampo ka... Kahit na nakalimutan mo yung promise mo... Huhu. Kahit na gwapo ka,
"Sige na nga. Basta ikaw ang sasalo nung sabunot niya ha. Wag ako. Mababawasan lang yung beauty ko."
"Thank you." Huminga siya ng malalim. Hmph!Ang igsi naman. Dumiretso na siya sa kwarto niya. Nagtakha naman ako nung lumubas siya ulit at lumapit sa akin.
"Er-- yeah. Maybe later in the morning..." Yumuko siya bago ulit ako kausapin.
"Go to sleep now. And uh... thank you for taking care of Adriel. I'm sorry that I forgot. It slipped in my mind and I only realized it after." Ginulo niya yung buhok ko. At bago siya tuluyang pumasok sa kwarto niya, nag- "Goodnight Safire." siya.
Dahan dahan akong papahawak sa ulo ko. Napatalon ako ng malilit habang pilit na nililiitan yung boses ko sa kakatili.
Omgosh! Hindi na ako maliligo nito! Wala ng shampoo shampoo! OMG talaga! Cid naman eh! Epal you. You make my heart go boom boom boom!
Humiga ako sa kama at nagpagulong gulong sa ibabaw nun habang yakap yung unan. Grabe, buhok ko palang yun. Pano pa kaya pag... Pag kiniss niya ako--AHHHH!! Hindi ko talaga keri!
The next morning, nasa upuan na ako habang pinapakain si Baby Adriel sa tabi ko. Happy vibes kami pareho ni Baby Adriel. Sinulyapan ko saglit yung pintuan ng kwarto niya. Hanggang ngayon ay hindi pa siya gising. Puyat siguro?...
Kung iisipin mas puyat ako dahil wala talaga akong tulog. Lagi akong nagigising every other hour to the point na hindi na ako nakatulog. Walang ibang pwedeng sisihin kundi si Cid.
May nararamdaman na talaga ako at hindi ko yun idedeny. Mas lalo lang akong nahuhulog. Nako, patay na.
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Aktuelle LiteraturRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...