EPILOGUE
Hindi naman sa ayaw ko siyang sagutin. Masaklap lang siguro na medyo old school pa rin ako. Talk about feeling nasa 1990s. Gusto kong tumagal yung panliligaw niya. Dahil kahit na almost a year na kaming magkasama, hindi pa rin mawawalang hindi pa namin ganun kakilala ang isa't isa. Isang buwan pa lang siyang nanliligaw, sagot na agad?
What if hindi naman pala talaga siya yung para sa akin... Not that I'm jinxing. Pero nga kasi! WHAT IF!
"Sorry but I don't want to lose you. Paano na lang kung may iba? I can wait but don't make it too long. I'm serious about you, about us." Napatingin ako sa kanya. Edi wow, he just answered the rumbling question inside of me...
"Alam ko. Chill ka lang. Wala namang iba kundi ikaw." Ngumiti ako sa kanya. Di niya ako nginitian pero nilahad niya ang mga braso niya. Sige na nga, pagbibigyan kita sa yakap. Alam kong sinungaling ako kung sasabihin kong hindi nakakakilig yung sinabi niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
After nung gabing yun, ilang weeks na at pansin kong madalas nag-uusap na lang kami sa phone dahil busy na naman siya sa office work. Nagpapadala din siya ng mga bulaklak sa doorstep every morning. Sabi nga ni Ate, nagmumukhang lapida na raw yung bahay sa kakapadala ni Cid. Napakabait nga naman ni Ate. Sarcasm, please?
Minsan nagseselos ako dun sa trabaho niya e. Lalo na dun sa magaganda niyang employees. Kahit sabi niyang wala nang makakapag-pahead turn chuva sa kanya doon, hindi pa rin maalis na baka mapalingon siya. If I remember it right, lahat pa naman halos ng nagtatrabaho dun sa hotel niya e mga pang-artistahin yung level ng itsura.
Wala kaming label ni Cid kaya nag-aalala din ako. Paano kung may katulad ni Angela o kaya ng kapatid niya ulit na umeksena sa buhay namin? For sure naman loyal ako sa kanya. Ako pa? Ako na nga 'tong napasabak sa magulo at mala-giyera nilang family problems, ako pa magloloko?
Aba't subukan niya lang talaga at makakalbo ko siya ng wala sa oras. Pansin ko rin na napapadalas na wala sila Ate dito sa bahay. Mag-isa na naman ako. Ganyan naman kayo e.
Hmm... Bisitahin ko kaya siya? Ang boring na dito sa bahay e.
Binuksan ko yung cabinet ko at nakita yung mga pinamili ko noon. Nilabas ko yung semi-formal na galaxy dress na pwede ring maging top. I decided na ito ang susuotin ko dahil pangsosyalin lang pwede sa hotel niya. Sinuot ko rin yung heels na binili ko noon. Sariling sikap ang pag make up sa sarili. Gora na, Safire! Baka hinihintay ka pala ni Prince Charming.
Pagpasok ko ng restaurant, parang gusto ko na lang maglupasay sa sahig nilang makintab. Inikot ko yung tingin sa loob nung restaurant. Ba't parang nag-iba ata yung interior nila dito? Compared last time, parang napaka-fairytale like nung ambiance.
Isa pa, nakakapag-taka at walang ibang tao dito bukod sa mga staff...
At sila.
Ang likod niya lang ang nakaharap sa akin pero kilalang kilala ko kung sino yun. Hindi siya mag-isa. Doon sa dati kong inupuan ay nakaupo ngayon si Cid. Wow lang ah, wala na ba silang ibang upuan dito kundi yun? Pipili na lang, yung sa inupuan ko pa noon.
Umupo ako sa table kung saan may isa pa uling table bago sila. Pinagmasdan ko sila.
Akala ko ba busy sa trabaho? E ba't parang proposal na ang eksena mo?
May lumapit sa akin. The same waiter before... At nung makita niya kung sino ako bigla siyang kinabahan at tinignan pa ang table nila Cid.
Ano? Kasabwat ka rin? Sampol, gusto mo? Nakataas na ang kilay ko pero pinagpatuloy niya pa ang pag-serve sa akin. Nilagyan niya ng tubig yung glass ko at pagkatapos nun ay pinaalis ko siya.
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Ficción GeneralRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...