SATD 14

8.8K 183 4
                                    

SATD 14

Anyare

Nung makita ko siya, tatayo na sana ako para salubungin siya pero umupo din agad. May kasama siyang babae papasok. Parang nag slow motion effect pa silang dalawa sa aking mata. Yung tipong pang runway model.

Tinignan ko from head to toe yung babae. In fairnness, maputi at mukhang may inaral naman. Mukha lang. Una kong napansin yung heels niyang pagkataas taas. Ilang inches yan? Three? Four? Ay ewan!

Mapatid ka sana!

Para namang narinig agad ng langit yung hling ko at napatid nga siya. Natawa ako ng patago pero natigil din. Lalo na nung makitang nasalo agad siya ni Cid sa siko at bahagya pang napasandal sa kanyang dibdib yung maharot. Nagkatinginan sila at natawa bago umupo sa pagdalawahan lang na table.

Napawi ang ngiti ko. Yung excitement at saya ko mula pa kanina ay parang hinigop at nalusaw bigla. Akala ko ba mageenjoy ako dito? Anyare?

Parang nung isang araw lang ang saya saya ko sa haplos niya sa buhok ko tapos heto ako ngayon, halos ikumpara na ang sarili sa isang creature na nagmana kay Ursula.

Tinawag ko yung isang waiter na nakatayo lang sa isang tabi at hiningi yung bill ko. Binayaran ko kaagad yun at umalis. 

Pa-Italian italian course ka pa, Safire. Oh ayan, delizioso diba?

Pumasok ako ng mabilis sa elevator. Pagdating nung floor ko, tumakbo ako ng mabilis papunta sa room kahit na nakaheels ako. Halos mabitawan ko naman yung key card ko mula sa maliit na pouch bag na dala ko habang pinapasok iyun. Nagclick yung pinto at bumukas. Hingal na hingal ako nang makapasok sa loob. 

Shet. Daig ko pa nag-marathon.

Anong ginagawa niya dito? Sino yung babaeng yun? Sila na ba? 

Napailing ako sa huli kong tanong. Kinuha ko yung cellphone ko at tumawag sa condo. May sumagot na babae kaya tinanong ko kaagad kung bakit siya nandun. Siya yung kinuha ni Cid na nagbabantay ngayon kay Adriel.

What the f?? Sana pala sinamahan ko nalang si Adriel sa condo kesa naman nandito nga ako, nandito rin siya sa loob ng hotel. Akala ko ba siya na ang bahala kay Adriel? Geez, ang naisip ko sa sinabi niya kanina ay siya ang titingin nito. To think na kumuha pa siya ng ibang pwedeng umasikaso kay Adriel just for what? Para makipagdate dito sa restaurant? Sa hotel?

Wait, Hotel? Hotel Laelia?! Don't tell me ito yung hotel niya?!

Shoot! Nagkagulo na.


Safire and the DavidsonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon