SATD 34
Reasons
Nasa ER ako nang magising. Nabangga ako. Obvious naman siguro. Ang malas at hindi pa ako namatay. Tengeneng stoplight kasi! Shushunga shunga. Ginamot nung lalaking nurse ang mga sugat na natamo ko. Hindi nakakatulong! Paano nalang kung magkaroon ng marks yan?!
Si Aso---Casso--Ay ewan! Nandito din siya. Kaunti lang ang natamo niya compared sa akin. Pasalamat siya at hindi nadamay ang mukha ko kundi siya na mismo ang hihilingin kong mawala sa daigdig!
Kapag nakikita ko ang mukha niya... Naiirita ako. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi dapat ako nandito. Naaalala ko lang tuloy yung kanina. Teka nga! Bakit ko ba ito pinoproblema?! Hindi ako pinanganak ng magulang ko para maging imbestigador! Saka gusto ko ng umuwi.
Sinubukan kong tumayo. Pak na shet! Ang hapdi ng sugat ko sa tuhod. Umupo ulit ako. Napataas naman ang kilay ko sa kanya dahil inalalayan ako. Ano to? Bait baitan? "Bitawan mo ako. Tuko ka ba?"
Sinunod niya naman ako pero lumuhod siya bigla. Imbes na magulat, nainis ako sa ginawa niya. Anong pakulo na naman ba ito? Umiyak siya sa harapan ko. Nakakahiya sa ibang pasyente. Hinawakan niya ang mga kamay ko. May pinagmanahan nga si Adriel...
"P-Pwede ba akong makiusap na alagaan mo parin si A-Adriel kapalit ko?" Ang galing naman talaga! Favor? Just like her brother... Nagsimula ang lahat sa favor. Lakas ng loob humingi ng favor kahit kakakilala lang namin.
Bumitaw ako sa pagkakahawak niya. Bigong mga mata ang sumalubong sa akin. Kainis! Magkapatid man o hindi. Parang pinagkakaisahan nila si Adriel sa ginagawa niya. Naiinis na talaga ako, to the highest level!
"Tang*na! Masasaktan lang si Adriel kapag ginawa ko yan. Ba't hindi nalang ikaw?! Total naman ikaw ang nanay niya. Ikaw dapat ang nagaalaga sa kanya! Ikaw dapat ang nagdurusa ngayon! Kung meron mang gagawa nun sa ating dalawa, Ikaw dapat yun!!" Sigaw ko.
Ayoko ng masaktan pa ulit si Adriel at ilang beses ko narin nabigong tuparin yun. Mga wala kayong puso. Pinilit kong makatayo kahit kumikirot sa sakit ang tuhod ko. Kailangan ko ng umalis.
"Sorry Safire! S-Si Mat, sinabi niya sa akin lahat. Ngayon, naiintindihan ko na. Akala ko makukuha ko yung sagot na hinahanap ko kapag ginulo ko ang isipan mo..." Nanliit ang mga mata ko sa narinig. Ano daw?
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Fiksi UmumRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...