SATD 15

8.9K 199 3
                                    

SATD 15

Highblood

Current time, 14:00 pm.

Hindi ko alam kung alin ngayon ang mas sayang, ang pagcheck-out ko kaagad dun sa hotel o ang hindi na nakita pa kung anong ginawa nila sa loob nung restaurant!? Close na close sila e!

Kung nakakainis yun, ngayon talaga mas naiinis ako sa fact na nagawa niyang iwan si Adriel sa ibang tao. Pinagday-off niya pa ako tapos ganun lang malalaman ko? Kung ako nga, hindi na ako mawalay dun sa baby tas siya parang hindi tatay! Hay nako Adriel! Nakakahigh-blood yang Papa mo! Ang tanda tanda na, humaharot pa!

     Hindi ako nakapagpalit sa pagmamadali. Buti nalang talaga at hindi ako masyadong lumayo at dala ko ngayon yung kotse ko. Mabilis kong pinuntahan si Adriel kahit na hirap na hirap ako sa mga dala ko. Pagpasok ko sa condo, laking gulat ko nang madatnang umiiyak si Adriel sa mga kamay nung babae. Inagaw ko kaagad si Baby Adriel mula sa kanya. Shet!! Nakita kong mapula na ang balat niya sa may hita banda! Marka yun ng palad. 

Tinignan ko siya ng masama. Ang kapal ng mukha niyang paluin si Adriel!

"How dare you! Get out!! Get out of here before I call the guards!!" Sigaw ko sa galit. Hindi man lang siya natinag sa boses ko at nagawa pa akong irapan bago lumabas dala ang gamit niya. Dinabog pa niya yung pagsara sa pinto. The nerve of that bitch! Dapat sa kanya hindi nagtatrabaho sa mga bata! Bwiset talaga!

"Tahan na baby ko... Wala na yung monster. Wala ng mananakit sayo... Sorry na baby ko... Sorry dahil umalis ako." bulong ko. Shet, pati ako naiiyak sa sakit na nakikita sa mata niya.

     "Yung Papa mo talaga ang papatayin ko..." Inis na bulong ko habang pinapatahan si Adriel at hinehele. Grabe talaga yung babaeng yun! Saang agency ba yun kinuha ni Cid?! Nakakairita talaga!!

     Nung tumahan na si Adriel, inasikaso ko kaagad yung kakainin niya. Inupo ko siya dun sa highchair. Ang pula nung gilid ng mata niya... Shet naiyak na ako. Sobrang parusa sa akin nito. Ako yung nasasaktan sa nangyari sa kanya. Kung hindi pa ako umuwi, baka hindi lang yun ang naabutan ko! Ghad, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa isang yun! Nakakahighblood!!

"S-Sorry baby ha... H-Hindi agad ako nakauwi. Akala ko naman kasi nandito si Papa mo e... Eat na tayo ah." Sinubukan ko siyang pakainin nung kanin na may sabaw ng nilaga. Tinanggap niya naman yun. Pagkatapos niya ngumuya ay naiyak siya.

"M-Momma no cry... Ad-i-el sorry..." basag na yung boses niya nung hawakan niya bigla yung mukha ko. Naiyak ako sa kilos niyang yun. Mabilis kong pinunasan yung pisngi ko. Kiniss ko siya ng matagal sa noo. 

Sorry talaga. Ako ang may mali dito. Ako Adriel, hindi ikaw. "I love you Adriel." sabi ko sa kanya kahit nahihirapan akong ngumiti ng masaya.

"Adiel love Momma too." Ngumiti din siya pabalik.

     Tapos ko na siyang pakainin at inupo siya saglit sa may sofa. Kinuha ko yung first aid kit ko sa bag. Buti nalang at may medicine cream ako dito. Dahan dahan kong nilagyan nun si Adriel kung saan nagmarka yung palo nung babaeng yun... Habang ginagawa ko yun ay pinapanood niya lang ako. Nalilibang siya sa lamig nung cream. Ang cute talaga. Hindi ko na naiwasang halikan ulit siya.

Thankful talaga ako at magkasama na ulit kami ngayon. Hindi na talaga ako papayag na maiwan siya mag-isa. Humanda talaga yang Papa mo sa akin, Adriel.


Safire and the DavidsonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon