SATD 5
Effort
Tanghali na at halos paliparin ko na yung kotse ko ngayon makahabol lang sa seminar na kailangan kong attendan. Nahihiya kasi ako kay Cid kasi basic lang ang kaya kong lutuin. Dahil feeling ko hindi karapat dapat yung mga pagkaing simple lang pag si Cid at Adriel ang usapan. Nagsusumigaw ng luxury ang pagkain para sa kanila. Mga personal chef at exquisite buffet ang bagay sa kanila.
Napaisip ako... Pag dating naman sa gawaing bahay, hanggang sa paglalaba lang ako magaling... Sa tulong ni Mr. Washing Machine.
Syempre, gusto ko rin naman matuwa sa akin si Cid kapalit nung pera na ibinabayad niya sa akin. 15 K din yun. Hindi ko naman actually kailangan ng pera. May kaya naman ang pamilya namin, bonus nalang yung binibigay niya sa akin. Nakakapagod din mag-alaga ng baby. ~__~
Halos mga housewife at bagong kasal pa ang mga kasabay ko sa seminar. Nakaka-OP ng sobra. Kulang nalang mag gown pa sila e. Nahiya yung singsing ko na binili ko lang sa tiangge sa mga suma-shine like a diamond nilang wedding rings. Pero in fairness, nakakainggit din sila.
Ako kaya? Kailan ko mamemeet si Mr. Right? Jumajarot na naman aketch! Hay buhay... Parang patay lol.
Three hours yung tagal nung seminar. Malaki naman yung naitulong sa akin nung seminar. Almost 5 new recipes din yung natutunan ko sa pagluluto. Habang yung iba naman ay kung paano maglinis at mag-ayos ng bahay.
Marami pa akong sinign-upan na ganitong klase at lahat yun ay binalance ko muna dun sa booklet na binigay ni Cid. Mahirap magkaron ng conflict no! Minake sure ko talaga yun. Kaya talk about effort, sagad na yan.
Dumiretso kaagad ako sa condo ni Cid. Pagpasok ko ay masigla akong sinalubong ni Baby Adriel! Dali dali kong nilapag yung gamit ko sa isang tabi. Sumunod sa akin si Baby Adriel papunta duon kaya naman natawa ako. Ang cute cute talaga!
Napansin kong nasa kusina si Cid na busying naghihiwa ng gulay. Emergerd! It's your time to shine na Safire! Ipakita mo ang iyong nalearn. Charot! Ang arte lang nung nalearn. Eww lang!
"I hope you're hungry." Saglit niya akong tinignan bago ipinagppatuloy yung paghihiwa niya."I'll just pan-fry these vegetables. You can sit down while waiting." Sabi ni Cid habang nireready yung pan.
After nun, hinain niya na yung mga niluto niya. Meron ding Afritada at steamed na kangkong. Ang daming kanin... kakaloka. Okay, ngayon isipin mo nalang Safire na sa kapalit nung 15 K hindi ka muna diet ngayon. Juskolored! Sayang ang kanin pag nagkataon.
"Let's eat." Tumango lang ako kay Cid. Nilapag niya yung pitcher ng tubig at umupo sa tapat ko. Nilagay ko sa high-chair si Baby Adriel at inayos ang kanyang maliit na table.
Habang sumusubo ako ng paunti unti ay hindi ko maiwasang panoorin siyang kumain. Hindi ko kinaya! May pafork-fork pang nalalaman. Nasaan na ba tayo? Ang sosyal masyado. Is this fine-dining? Hindi ako na-inform.
"More Momma!" sabi naman nitong baby sa tabi ko. Kaya sinubuan ko ulit siya. Awwww. Sorry Adriel at medyo nadistract lang si Momma mo. Lol.
'F na F lang tawagin na Momma ni Adriel girl? Tigil tigilan mag-feeling Disney!' Saway ko sa sarili kong utak. Masayadong maligalig!
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Aktuelle LiteraturRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...