SATD 19
Wish granted
In a few more weeks mag-two two months na ang pagstay ko sa condo ni Cid. Kasing bilis din ng karma or whatever you call it. Hindi ko alam kung anong reason dahil...
Nagising ako nang may marinig na ingay sa labas ng kwarto ko. Pagtingin ko sa orasan, 2 am pa lang ng madaling araw. Binuksan ko yung pinto para sana mag-cr...
Napabitaw ako sa doorknob at napapikit ng mariin. Nagbabakasakaling mali ang aking nakita. Bigo ako nang imulat ko ang aking mga mata dahil totoong totoo yun.
Sa tapat ko, busying busy si Cid na nakikipaghalikan sa isang babae. Halos matapilok pa ito dahil sa lakas ng pagkakahatak ni Cid sa katawan nito. Kahit mababa lang ang ilaw na galing sa main door ay kita parin ang katawan nito. Sexy, matangkad at maputi. Maganda siya kahit naka-side view.
Hindi naman nakaligtas sa mata ko ang paunti unting pagakyat nung kamay niya sa loob nung suot na dress nung babae. Shit?
Kalma lang, Safire. Gwapo eh, di mo masisisi. Tamad ko silang tingnan at maingat na sinara ng kaunti yung pintuan. Naistorbo ka na nga sa pagtulog ganito pa maaabutan mo. Hindi na ako nagabalang maghilamos o kung ano. Nagimpake ako ng mga damit at nagpalit narin ng pang-alis.
Sumilip muli ako sa pinto, nakita kong binuksan ni Cid yung pintuan sa kwarto niya habang nakadikit na sa kanyang katawan yung babaeng kasama niya. Sumara yun nung makapasok sila.
Hindi ko na alam... Bigla bigla nalang uminit yung gilid ng mata ko. Eto na yung pagkakataon kong umalis. Hindi nalang ako aamin.
Paalis na dapat ako nang marinig ko yung iyak ni Adriel. Mabilis akong pumunta kung nasaan siya. Nilapag ko yung bag ko at binuhat siya. Chineck ko kung bakit siya umiiyak... Sinilip ko yung diaper niya. Ah may extra.
Binilisan ko ang pagpalit ng diapers niya. Kiniss ko siya sa noo habang hinehele para matulog ulit at hiniga ulit sa crib niya. Akala ko tulog na siya, pero umiyak ulit siya. Napakagat ako sa labi ko, naiiyak na ako. Ano bang gagawin ko? Pag iniwan ko si Adriel dito, hindi naman siya maaasikaso nung isa. Hay... Ang hirap ng ganito. Sinama ko siya sa kotse, nagdala din ako ng iilang gamit niya lalo na sa bottle niya.
"For the meantime sa bahay ka muna namin magiistay, Adriel ha? Di ako nainform sa magiging new mother mo. Sorry, medyo hindi ko kasi type ang mga taong ma-PDA." bulong ko kahit alam kong hindi yun maririnig ni Adriel.
They will need space. A lot of space, I'm sure. Baka nga kulang pa, kaya pati narin yung outer space isama na nila. Yung ganung kiss kiss? With matching hipo here, tanggal there? Syempre sa bed sila mauuwi... I mean... They will sleep on the bed. Snore snore then the next morning, hindi na ako magugulat kung bukas ay kasalan na.
Pagpasok ko sa bahay, nanlaki ang mata ni Ate sa akin nung makitang kasama ko si Adriel. 3 am na. Naistorbo ko pa siya. Wala sila Mom at Dad nag-out of town daw. Napansin niya naman na medyo ayoko muna ng kausap ay nilubayan niya rin ako at tinulungan nalang sa gamit. Kahit madaling araw na ay hindi na ako makatulog ulit.
Paulit ulit na nagplay sa isipan ko yung nakita ko kanina. Nabaling ang mga mata ko kay Adriel na hanggang ngayon ay mahimbing na ang tulog. Walang alam sa nangyayari ngayon sa Papa niya.
Nakakapanghina. Hindi ko lang matanggap. Hindi matanggap ng sistema ko. Sana man lang ipinaalam niya na meron na palang babae. Edi sana... Sana handa ako. O kaya umalis muna ako dun. At ikaw naman, Safire. Ba't damang dama mo yata yang emosyon ngayon? Ngayon, ang natira nalang sa akin ay ang para kay Adriel dahil sa palagay ko, mas may halaga pa ako kay Adriel kesa sa kanya. Na mas binigyang importansya ako ni Adriel kumpara sa lalaking yun... Nagawa niya pa ngang magdala ng babae sa condo e.
Pakiramdam ko ngayon ay pinagtataksilan niya ako. Mali. Paano ka niya pinagtataksilan eh, wala naman kayong relasyon? Oo nga naman no? Laughtrip talaga. Sa sobrang sakit, mapapakanta ka nalang nung kanta ni John Mayer na I'm gonna find another you.
Noon, laging ako ang tagapayo sa mga kaibigan ko tuwing brokenhearted sila. Madalas ko pang sabihin sa kanila na,
'Sa pagibig, mahirap umasa. Na huwag na huwag mong lalagyan ng malisya kung ang relasyon naman ay malinaw. Dinamay mo lang siya... Nasobrahan ka lang sa imagination. Na akala mo merong connection pero ikaw lang naman talaga ang nagisip nun.'
Iyak tawa na ako ngayon. Ano ba yan! Ang gulo nung utak ko. Gusto kong umiyak pero natatawa ako. Nakakatawa kasi ang tanga ko. Pero nakakaiyak dahil ang lakas ng loob kong magpayo ng ganun pero sa sarili ko hindi ko man lang ma-apply.
CID MATHEUIX L. DAVIDSON. Mahal kita eh! Nahulog na ako sayo. Oo na, nanghihinayang ako! Sobra. Dahil hindi ako kaagad umamin sayo. Sabi nila be careful of what you wish for...Totoo na yun. At ngayon lang ako tinamaan. Ang sakit kasi e.
Nagkatotoo yung wish ko... Sa araw na aamin ako. You got it Safire. Wish granted.
BINABASA MO ANG
Safire and the Davidsons
Ficción GeneralRomance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, magsibak ng kahoy-- Ay mali! Pang husband material pala yun. E yung mag-alaga ng baby? Kering keri b...