SATD 52

8.7K 137 0
                                    

SATD 52 (LAST CHAPTER)

Christmas Dinner

"Hep hep hep! Ano ka sinuswerte?" Hinarang ko yung kamay ko sa mukha niya sabay usog palayo. Nawala yung ngisi niya at umiling. Sinabi kong sa bahay na kami pumunta.

Pag dating namin sa bahay nakahanda na ang ibang pagkain sa table. Magkasunod lang ang pag-dating namin nila Ate. Inatupag naman naming tatlo ni Adriel ang pagdecorate ng Christmas tree. Kanina kasi bago kami dumiretso sa bahay ay bumili narin kami ng Christmas decorations.

"Here's the balls." abot ko kay Cid nung isang set ng Christmas balls. Tumingin siya sa akin at parang gulat. Umiling siya at kinuha mula sa kamay ko yung box at isa isang sinuot yun sa mga branch nung tree.

"Napano ka?" nagtatakha kong tanong. Dedma. Tumulong ako sa pag-ikot nung tatlong tinsel at christmas lights. Kulang na lang yung Angel na chistmas topper. Kinarga ni Cid si Adriel para mailagay yung Angel. Mas excited pa yung tagabuhat e oh?

"First time magsabit?" asar ko sa kanya. Dedma ulit. Luh? Umatras ako para tignan yung gawa namin. Ganda... ko. Joke! Sinaksak ni Cid yung christmas lights at nag-ilaw ang mga ito. Pumalapak ako at nakipag-apir kay Baby Adriel.

Hindi parin ako pinapansin ni Cid. "Hey! Kayong tatlong feeling pamilya na, tara lets na muna dito sa table." Napailing ako. Andyan na naman si Ateng kabute.

"Kumpleto na ba tayo?" Tanong kong inirapan niya ng bongga. Nilingon ko yung table, aba't himala at nandun na silang lahat.

"Sa tingin mo?" Sarkastiko niyang sabi bago ako walk-outan. Dali dali kaming lumapit doon at nagsi-upuan.

Nasa gitna namin ni Cid si Adriel. At dahil wala kaming highchair dito sa bahay, tatlong makakapal at malambot na unan ang inuupuan niya ngayon. Kalevel niya na yung table. Katapat namin sila Ate at ang boyfriend niya. Si Mom at Dad naman ay magkatabi sa kabilang side.

Habang kumakain, pansin ko ang pagtingin sa akin ni Cid from time to time.

      "How's the hotel? Masyado bang busy? I heard your sister got promoted in Cebu." Tanong ni Dad. Tumango si Cid.  Sa magdamag  ay halos si Dad lang ang kausap niya. Puro businesses yung topic. Ni hindi na nga sila makakain ng ayos e.

Nilingon ni Cid si Mom dahil nagtanong ito. "Where's your Mother by the way? Kamusta na siya? Everything good?" Nagkatinginan kami ni Cid bago niya sagutin si Mom.

"She's fine. And to be honest, I think it'll take time before everything goes back the way it is." Nakangiti si Cid pero hindi umabot yun sa mga mata niya. Pataasan ng pride. Pero mas mataas yung sa nanay niya.

Si Ate at ang boyfriend may sariling mundo. Nauna silang natapos sa pagkain. Gusto akong unahan dun sa dessert, obviously. At nung makita kong binuksan na nila yung ice-cream, aba, dinaig ko pa si Bugs bunny sa pagnguya ng pagkain. Kahit si Adriel ay natapos din, minadali ko e. Haha.

Silang tatlo na lang nila Mom ang natira sa table.

Tig-isang cone kami ng ice-cream ni Adriel. Tuwang tuwa siya nang dalawang scoop yung nilagay sa kanya nila Ate. Lumabas kami ng bahay ni Adriel at naglaro doon sa may maliit na garden.

     "Kailan mo ako sasagutin?" Malambing na boses ni Cid ang sumalubong sa akin sa likod. Nasamid ako at nabitawan ko yung cone dahilan ng pag-lipad ng ilang ice-cream sa mukha ni Adriel. Tapos na pala sila. Nabigla siya sa nangyari. Mabilis akong kumuha ng towel sa kitchen para asikasuhin siya. Sinimangutan niya ako.

"Momma harot ka na naman." Walang awang sabi ni Adriel sa akin. Napa-awang ang bibig ko at namula ang mukha ko. Konti na lang talaga, iirapan ko na 'to. Nagsosorry na nga e.

"Palpak ka talaga, kapatid." Rinig ko ang mga mapang-asar na tawa ni Ate. Nakita niya yung nangyari dahil nasa labas narin sila.

"Ikaw kasi Cid e!" Magaang kong tinapik ang braso niya. Ngumuso siya sa akin at bumaling kina Dad na palabas ng gate. Mag-lalakad na naman siguro sila Mom... Paano ko ba tatakasan ang isang 'to?


Safire and the DavidsonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon