PROLOGUE

638 35 7
                                    


Hoy, kumusta ka na?" tanong ng isang batang lalaki sa batang babae.

"Ayos lang." tumango naman ang batang babae at ngumiti ng malapad kaya lumabas ang bungal niyang mga ngipin sa gitna.

"Tara, halika, maglaro tayo doon sa may dagat. Nandoon na sila Sasa!" Aya ng batang lalaki sa batang babae at agad naman niya itong hinawakan sa kamay saka sila naglakad.

Dali-dali silang nagpunta doon at nagtampisaw sa may baybayin.

"Lala! Ang daming shells oh! " sigaw naman ng isa pang batang babae na may dalang maliit na timba.

"Sasa!" kaway ng batang si Lala. "Nognog taya mamulot din tayo ng mga she-shells." ngiti niya.

"O,sige padamihan tayo."

"Sali ako! Sali ako!" tumakbo palapit sa kanila ang isa pang batang lalaki.

"Yuyu!" kaway ni Lala.

Naglaro ang apat na bata sa may dagat at matapos iyon ay inihatid ng batang si Nognog si Lala sa bahay nito na may ngiti sa kaniyang labi.

"Ano, Lala masaya ka ba?" tanong ni Nognog.

"Sobya! Sobya! Sobya Nognog! Mayaming sayamat sayo saka kila Yuyu at Sasa. Bukas uyit ah."

"Sige, aalis na ko Lala."

"Pai pai Nognog! Dito naman tayo sa gayden ni lola magyayo bukas ah. Punta ka uyit ah."

"Oo na."

"Nga paya Nognog, eto oh she-shells." Inabot ni Lala ang isang shell na hugis puso kay Nognog. "Siya yung she-shell na pinaka ya-yike ko sa yahat ng nipuyot ko sa dagat." nakita ang dalawang puwang sa ngipin ni Lala nang ngumiti siya .

"Sa-salamat Lala." namumulang sagot ni Nognog sabay kamot sa batok nito.

"Weycome!" kaway-kaway niya.

"Babye." ngumiti siya at tumakbo ng pagkabilis-bilis, nagtatalon sa daanan sa sobra niyang kasiyahan dahil sa nakasama na naman niya ang kaniyang kaibigan na si Lala at binigyan din siya ng shell na napulot nito na siya pang pinaka nagustuhan ni Lala sa lahat ng pinulot niya sa dagat.

Ibang kasiyahan ang nadarama niya kapag kasama niya si Lala. Palagi siyang kinakabahan at nakakaramdam ng pagkahiya dito sa tuwing makikita niya itong nakangiti sa mga pinaggagagawa niya ay mas lalo siyang nagiging maligaya.

Kinabukasan ay maaga siyang pumunta kila Sasa at Ruru para sabihin na maglalaro sila sa bahay ni Lala pero wala ang mga ito at isinama daw ng kani-kaniyang mga magulang sa bakasyon kaya sya nalang ang pumunta kila Lala para makipaglaro dito.

Pinapasok agad siya ng kasambahay dahil sa kilala naman na siya ng mga nakatira dito. Pumunta agad siya sa garden at nakita niya si Lala na umiinom kunwari sa isang barbie na tea cup at nasa harapan niya ang barbie tea set at ilang stop toys na nakaupo sa mga upuan sa table kung saan siya nakaupo.

"O, Mistey Piglet, inumin mo na ang tea mo. Yinagyan ko yan ng honey. Ikaw din Miss Piggy, wag kana mahiya sakin pati ikaw Mistey Pooh..." sabay hagikgik niya.

"Oy, Lala." tawag ni Nognog.

Agad namang napalingon sa kaniya si Lala at nakita na naman niya ang saya sa mga mata nito na nagpakaba sa kaniyang munting puso.

"Hai hai Nognog! Ashan paya siya Sasa at Yuyu?"

"Wala eh."

"Edi tayo nayang! Taya inom tayo ng tea." aya niya. Nahihiya namang umupo si Nognog sa upuan na katabi ni Miss Piggy at Pooh.

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon