CHAPTER 23

30 6 0
                                    

Naglibot libot si Gino at Stella sa parke. Kumain ng cotton candy, sumakay sa kung anu-anong mga rides, nagkwentuhan tungkol sa iba't-ibang mga bagay, kumain muli at nong mapagod ay sumilong sa lilim ng puno.

Pinaglalaruan ni Stella ang mahahaba at payat na daliri ni Gino. Inihahaplos niya sa kaniyang makinis na pisngi.

"Ang lamig lamig... Para kang patay." Biro niya sa binata na bigla ay pinisil ang kaniyang ilong.

"Pasmado e. Kapag ikaw nagkaganyan." Babala naman ni Gino.

Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ni Stella. Inilabas niya ito at nakita niyang si Avel ang nasa caller ID.

"Hello kuya!" Masiglang bati niya sa kapatid niya. Hinigit naman siya ni Gino at niyakap mula sa likuran. Ibinaon niya ang ulo niya sa leeg ni Stella.

"Stella, asan kana?" Tanong nito.

"Kasama ko si Gino kuya. Bakit? Susunduin mo na ko?" Bigla at nakaramdam siya ng kalungkutan.

Narinig niya ang malalim na buntong hininga ng kuya niya sa kabilang linya. "Hindi naman. I'm just checking you."

"Ahhh..." Ipinatong niya ang maliit niyang kamay sa braso ni Gino na mahigpit na nakapulupot sa bewang niya. "Kumusta ang...boys talk niyo?"

"Okey lang. Magsisimula pa lang kami. Gotta go."

"Okey kuya. Tawag ka nalang mamaya."

"Yes, I will."

Pagkatapos ay ilang sandaling namutawi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nakayakap lamang si Gino kay Stella samantalang siya naman ay marahang hinahaplos ang payat na braso ng binata.

Inilapit niya ang labi niya sa tenga ng dalaga. Hinalikan niya ang ilalim ng tenga ni Stella at binulungan.

"Mahal na mahal kita Stella."

Napapikit ang dalaga sa sensasyong dulot ng pagiging malapit nila ni Gino. Parang mayroong kamay ang mainit na humahaplos sa puso niya, ilan sa mga pakiramdam na tanging si Gino lamang ang may kakayahang magpadama sa kaniya.

"Mahal din kita Gino..."malambing niyang sabi. Ang pagbanggit niya sa pangalan ng binata ay parang hinubog para sa labi niya. Gustong- gusto niya sa tuwing babanggitin niya ang pangalan nito.

Wala sa sarili si Avel habang tinatalakay ang tungkol sa engagement ni Stella at ng nasabing Lamperouge. Kasalukuyang nagsasalita ang pinsan niyang si Dexter na sinasalihan ng iba't-ibang suhestiyon na mula sa iba pa niyang pinsan ganoon din ang mga tiyahin niya. Mataman lang na nakikinig ang lola niya. Ang mama naman niya ay nakatingin sa kaniya at nanliliit ang mga mata. Mapanuri ang titig nito sa kaniya.

"Tiyak na maiintindihan naman ito ni Stellar. It's for her own good." Kibit balikat na saad ni Ms. Vaughn.

Itinaas naman ni Carlo ang kamay niya. "Do you think it's too early para ipagmeet sila? Why don't we extend-"

Agad na sumabat si Dexter. "It's for the Lamperouge's assurance."

"Hindi pa ba sapat na magmemeet sila?" Tanong ni Lucas. "Maaassured pa din naman na magkikita sila ni Stella we just want to extend the time for our princess' preparation. Ni wala pa nga siyang alam tungkol dito diba?" Ngiti ni Lucas sabay kagat sa dulo ng Rayban niya. Nagkindatan sila ni Jin pagkatapos.

Napabuntong hininga si Dexter saka bumaling kay Avel. "You did'nt tell her bout this?"

Sa kaniya naman natuon ang atensyon ng lahat. Napairap siya. "I never did."

Kinagat ni Dexter ang labi niya para pigilan ang pagngiti. Tiningnan naman niya ngayon si Jin na malawak ang ngiti sa kaniya. "I did nothing too, dude."

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon