"Diba, bubusugin mo ko?"
"Oo, ng pagmamahal ko." tumayo si Gino at hinila si Stella saka niya hinawakan sa bewang. "Tara, magbake tayo. Mayroon akong baking area dito."
Napangiti naman ang dalaga. "Literal pala na bubusugin mo ko?" tiningala niya si Gino na ngayon ay namumula. Napakamot siya sa batok niya sabay pisil sa ilong ni Stella.
"Ano bang akala mo?" yumuko ang binata at inilapit ng husto ang mukha sa dalaga.
"Uh-huh? W-wala ah! Tara na nga." agad siyang yumuko at hinilamos ang kamay sa mukha niya upang maitago ang pamumula niya.
"Come. Namumula kana eh."
"Hindi kaya!" depensa niya.
"Oo kaya." tawa ni Gino.
Matapos ang kulitan nilang dalawa ay nagbake na nga silang dalawa ng napakaraming cookies at iba't -ibang matatamis na pagkain. Sumakit ng husto ang katawan niya lalo na ng pagmasahin siya n Gino ng dough. Pagkatapos nilang maggawa ay kumain sila. Dahil napakahilig ni Stella sa matamis, hindi niyaa namalayan na naparami na ng husto ang kinain niya.
Nagawa niyang ilihim kay Avel ang tungkol sa pagbebake niya dahil sigurado siya na pagagalitan siya nito dahil nagpagod siya, pero kahit ano man ang gawin niyang pagtatago, nakita at nalaman parin ng kuya niya at napagkamalan pa tuloy na buntis siya.
KINABUKASAN. Pagkahatid ni Jin kay Stella sa school ay bumalik siya sa bahay nila para kunin ang gamit na nakalimutan niya. Pagpasok niya, nadatnan niya ang tatlong 'men in black' na pababa mula sa second floor. Napakunot siya ng noo. Dire-diretsyo lang ang tatlo at pagkita sa kaniya ay tinanguan lang siya.
Pag-akyat niya, nandoon sa sala si Avel at may hawak na card.
"Avel, sino yung tatlong lalaki?" tanong ni Jin sabay alis ng suot niyang bonet.
"Tauhan ni mommy." maikling sagot niya.
"Anong ginawa nila dito? Ano yang hawak mo?" lumapit si Jin para kunin ang vard na hawak ni Avel. Umupo siya sa tapat na sofa at binasa ang nilalaman ng card.
"About sa Last Will ang Testament ni lolo? Naks, may invitation talaga." ngiti niya.
"Ten o'clock yan gaganapin gaya ng nabasa mo. Maghanda kana para makapunta doon." sabi ni Avel.
"Okey na 'tong suot ko. So, ibig sabihin nandito sa Pinas si Mommy?" tumingin siya sa kapatid niya na ngayon ay nagngangalit na ang ngipin at nakakunot ng husto ang noo.
"At ni hindi man lang niya nagawang sumaglit dito. Ibang klase talaga siya."
Napakibit balikat lang si Jin. "Yun siya eh, di kana nasanay. So, susunduin ko pa ulit si Stella?"
"Di mo nabasa? You are invited, Avel ang Jin edi ibig sabihin hindi kasama si Stella."
"Sabi ko nga eh." ngiti ni Jin ng nakakaasar kay Avel. Tumayo lang ito at inirapan siya saka umakyat sa third floor. Pagkaakyat na pagkaakyat ni Avel ay siya namang tawa ni Jin. "Bakla talaga ang isang yon."
Dahil nga absent si Stella kahapon, wala siyang kaalam alam sa event ngayon.
Pagkapasok na pagkapasok niya sa gate ng school, si Gino agad ang hinanap niya. Namimiss na kasi niya ito dahil hindi sila nagkita kahapon dahil nga absent siya.
Naglalakad siya sa may daanan papunta sa garden. Lumalaglag ang mga dahon ng puno na nadadaanan niya.
"Asan ka ba Gino?" napatigil nalang siya bigla ng maramdaman niya ang mahahabang bisig na pumulupot sa kaniya mula sa likuran.

BINABASA MO ANG
A Silent Kiss ✔️
RomanceFor Stella, everything seems so normal. Normal na pamilya, normal na mga kaibigan, normal na pag-aaral at normal na buhay but little did she knew, iba pala ang realidad na alam niya sa tunay na realidad na pinagdadaanan ng normal na mga tao.