CHAPTER 25

30 6 1
                                    

Si Jin ang naghatid kay Stella papasok sa school nito. Doon niya rin pinatulog sa kwarto niya ang kapatid niya dahil ayaw niya munang palapitin si Avel dito. Doon na din nagpasyang matulog ang tatlo nilang pinsan kaya pinatuloy nila ito sa guestroom na nasa 2nd floor. Wala namang ibang nasabi si Dexter sa pagtuloy niya sa bahay ng mga Louisser. Napagmasdan niya ang nangyari kay Stella pero hindi ibig sabihin noon ay may mababago. Walang mababago sa desisyon. Kapag sinabi niya, dapat matuloy.

"Bye baby girl! Enjoy your day." Paalam ni Jin kay Stella. Nakatulala lang ito at ni hindi man lang siya nginitian. Napawi ang ngiti sa labi ni Jin nang makita niyang walang kabuhay buhay ang mata ng kapatid niya.

Back at one na naman siya.

"Baby girl hey," suyo niya sa kapatid niya.

"I'm okey kuya. Please don't worry bout me." Iniwas ni Stella ang paningin niya sa kuya niya. Inayos niya ang sarili niya at binuksan ang pintuan ng kotse.

Napailing si Jin. Pagkalabas ni Stella ay lumabas din siya at muling niyakap ang kapatid niya"Baby please...."

"Kuya Jin I said I'm fine." Tumingala siya upang tingnan ang nag-aalalang mukha ng kuya niya. Pinilit niyang ngumiti para ibsan ang pag-aalala ng kuya niya pero sino bang niloloko niya?

"Honey, you're not fine. Mag-absent ka kaya muna. You should take a break."

"Wag na."

"Stella...."

"Please kuya Jin. Suporta mo lang ang kailangan ko. I'll be very very happy if you stay on my back." Ngiti niya na nakapagpangiti din kay Jin.

"I'll be."

"Babye na."

"Okey. If you need anything don't hesitate to call me okey?"

"Okey po."

"Bye. I love you."

"I love you too kuya."

Pagkaalis ng kuya niya at pagpasok niya ng gate ng school ay mukha ni Athrun ang nabungaran niya. Kita sa mga mata nito ang katuwaan. Nakalitaw ang dalawa nitong dimples na lalong lumalalim sa tuwing gumagalaw ang labi niya. Nakapamulsa ito at nakasukbit sa kaliwa nitong balikat ang isang sling bag.

"Athrun..."

"Hi Stella, kumusta kana?"

"Ayos lang." Walang buhay niyang sagot at walang sabi sabing nilampasan nya ang binata na lalong lumawak ang pagkangiti. Napakamot nalang ito sa ulo at sinabayan sa paglakad si Stella.

"Yan ang mukha ng hindi ayos." Sita niya sa dalaga na inirapan lamang siya.

"Ayos ako Zala."

Napatigil siya ng harangin siya ni Athrun. Nakadipa ito at nakangiti ng pagkatamis tamis. Pakiramdam niya ay may alam ito na hindi niya alam. Palagi kasi na kapag nagsasabi ito o nagkukwento ay may nakatagong kung ano sa salita niya. Para bang ang sinasabi niya ay iba sa ibig niyang ipaalam sayo. Nakikita niyang napakamisteryosong tao ni Athrun Zala.

"Ano yon Athrun?" Tanong niya sa naiinip na tono.

"Kumusta kayo ni Gino?" Ngiti niya.

"Alam mo hindi mo ko kailangang harangin ng ganito para lang itanong yan."

"Narinig mo ba ang sagot mo sa tanong ko? Ngayon sabihin mo ulit sakin na hindi kita kailangan na harangin para lang magtanong sayo." Kasabay ng pagngiti niya ay ang paglitaw ng dalawa niyang dimples. Kitang kita din ang kislap sa mga mata niya na nagsasabing natutuwa siya.

Umirap si Stella sa kawalan saka tiningnan si Athrun sa mata nito. "Maayos kami ni Gino. Ano, ayos na?"

Umiling iling ang binata at ikinaway ang hintuturo sa ere. "Maayos, mabuti, okey pa naman. Nice answer Louisser."

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon