Chapter 30

31 7 0
                                    

Matapos mag-almusal ni Stella ay walang pasabi itong pumasok sa kwarto at nagkulong. Naiwan sa kusina ang dalawang lalaki na nagsusukatan ng tingin.

"Oh dude, ano ng gagawin mo ngayon? Sa isang araw na magmemeet si Stella at Lelouch. Paano mo siya mapapapayag?" Tanong ni Carlo. Inilabas nito ang cellphone at kinalikot habang hinihintay ang sagot ni Avel.

"Pag-iisipan ko pa kung paano." Iyon lamang ang naging sagot niya. Mahirap magdesisyon kapag alam mong pangit pareho ang magiging outcome nito. Either way, masasaktan si Stella. Iyon lamang ang pinaka main outcome.

"Tsk. Nga pala saan ka ba nagsuot at iniwan mo nalang ang kapatid mong nag-iisa dito? Ni hindi ka din macontact para kang tanga pare."

Naningas si Avel sa kinauupuan niya at kahit na ayaw niya ay naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi niya. Para hindi makahalata si Carlo ay tumikhim na lamang siya at sinuklay ang kaniyang buhok. Dinilaan niya din ang ilalim ng labi niya at pinanatiling nakakunot ang noo kahit na sa loob loob niya ay parang gusto niyang itapon sa pagmumukha ni Carlo ang upuan na nasa tabi niya ng manahimik ito sa pagtatanong sa kaniya.

"Diyan lang."sagot niya.

Tinaasan siya ni Carlo ng kilay. Tinitigan pa siya nito at parang may naglalaro sa mga mata nito.

"Ano? Huwag mo akong tingnan ng ganiyan." Pagsisita niya dito at saka siya muling tumikhim. Kakaasar.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Carlo na nakapag painit ng ulo ni Avel. Nagkibit balikat lamang ito at muli ay tinitigan siya. Umigting ang kaniyang panga sa pagsusukatan nila ng tingin ng pinsan niya. Sa lahat ng mga pinsan niya ay itong si Carlo ang pinaka close niya. Magkaklase ang dalawa at magkasama pa sa soccer club. Alam nilang dalawa ang ugali ng isa't-isa. Minsan ay nag-uusap sila ng mga bagay na sila lang dalawa ang nagkakaintindihan.

"Hindi ko ipagkakalat kay Jin." Humagalpak ito ng tawa at kung pwede lamang na ihagis ni Avel ang upuan ay kanina niya pa ito ginawa. Sinamaan niya na lamang ng tingin si Carlo na walang habas na tumatawa sa kaniyang harapan. Tuwang tuwa ito sa itsura ni Avel na hindi na maipinta ang mukha sa halo-halong emosyon.

"Gago."bulong niya.

Hinawakan ni Carlo ang tiyan niya at patuloy na tumawa. Dinuro niya pa si Avel na parang sampalok na ang mukha dahil sa pagka asim.

Nang mahimasmasan ay pinilit nitong magseryoso.

"Masarap ba pre?"

Mabilis na kinuha ni Avel ang isang plato at inihagis kay Carlo pero nagawa nitong makailag.

"Tigilan mo ako Carlo. Hindi ako natutuwa."

Inilagay ni Carlo ang kamay niya sa ilalim ng baba niya at tumingala na parang may napakalalim na inisip.
"Jin must be so proud of you boy. Sa wakas." Muli ay tumawa na naman ito. "Who's the unluncky girl?"

"Shut up." Tumayo siya at walang sabing umakyat sa 3rd floor para tumuloy sa kwarto niya. Narinig niya pa ang sigaw ni Carlo na.

"Dude! Nakailang round kayo?!"

Umiling iling na lamang siya at nagsimula ng idial ang number ni Dexter.

"Yes pare?" Sagot ng nasa kabilang linya. Halatang bagong gising pa ito dahil sa lalim ng boses at paghikab nito.

"Nasabi ko na."

"Oh." Alam niyang nakangiti ng pagkatamis tamis ang pinsan niya pero wala siyang pakialam.

"That's good to hear bro."

Huminga siya ng malalim at muli au hinilot ang sentido niya. Hinawakan niya ang bewang niya at nagpalakad lakad sa kwarto niya.

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon