CHAPTER 14

60 12 0
                                    

"Ano ba yan? Para ka namang walang buto!" inagaw niya ang tuwalya at siya na ang nagpunas sa kapatid niya.

Pagkatapos niya itong mapunasan ay nagbihis na si Stella. Kinuha ni Avel ang suklay at sinuklayan ang kapatid niya. Pinulbusan din niya ito.

"Kumain kana halika." utos ni Avel.

Sinandal ni Stella ang ulo niya sa dibdib ng kuya niya. Niyakap niya si Avel ng mahigpit.

"Stella, wag ng matigas ang ulo. Kumain kana."

Umiling lang ang dalaga. Napabuntong hininga naman si Avel. Hindi niya kasi talaga kayang tiisin si Stella lalo na kapag naglambing na ito sa kaniya. Bigla bigla nalang syang napapasunod ng kapatid niya, kahit na ayaw pa niyang gawin. Para bang may kapangyarihan si Stella na magpasunod ng tao.

"Please, wag mo na kong daanin sa ganyan Stella. Halika ka na. Kanina ka pang umaga hindi kumakain, baka mamatay ka niyan."

"Ayaw."

"Stella please.."

"Ayaw!"

"Please!"

"Ayoko nga kuya eh.."

"Stella naman!"

"Ayoko. Di nga kasi ako nagugutom."

"Bakit ba kasi ayaw mo? At anong hindi ka nagugutom? Imposible yon kasi kaninang umaga ka pa hindi kumakain."

"Basta hindi ako nagugutom." napapikit si Stella sa sakit. Bigla niyang napisil ang likod ni Avel.

"Stella!" inagwat siya ng kuya niya. "May mali eh. Mayroon kang tinatago sakin. Sabihin mo ano yon?"

"Wala!"

"Sabihin mo na Stella!"

"Wala nga kuya-arraayy!" napahiga na siya sa sakit.

"Stella! Stella hey!"

Bigla nalang siyang umupo pagkatapos niyang mapahiga na parang wala lang nangyari pero sa loob niya eh pinipigilan niya lang.

"Ano ba kasing nangyayari sayo? Please naman Stella wag mo kong pahirapan ng ganito!"

"Sige. Kakain na ko." tumayo siya at lumabas ng kwarto. Napamangha naman si Avel dahil talagang hindi na niya maintindihan ang kapatid niya.

"Ano bang nangyayari sa kaniya?" agad siyang tumayo para sundan si Stella sa kusina.

Paglabas niya nakita niya ang kuya niyang si Jin na wala man lang pakialam at heto't nakikipaglandian sa bago niyang girlfriend. Nakahiga ito sa lap ng babae.

"Excuse me! Diba ikaw si Avel?'' turo sa kaniya ng babae na agad niya namang inirapan.

Dire-diretsyo siya sa may kusina at doon niya nakita si Stella na parang ngayon lang nakakain ng ganoong pagkain sa tanang buhay niya dahil sa dire-diretsyo na, puno pa ang bibig ay nilalagyan niya pa ulit ng panibago. Napahawak na sa ulo niya si Avel.

"Umayos ka nga diyan Stella!" bulyaw niya sa kapatid niya.

Tiningnan lang siya ni Stella saka muling pinagpatuloy ang pagkain ng dire-diretsyo.

"Stella, hindi ko na talaga maintindihan kung anong nangyayari sayo. Please naman sabihin mo!"

Nilunok lahat ni Stella ang laman ng bibig niya saka siya uminom ng tubig.

"Magtapat ka, anong ginawa sayo ni Gino by the time na iniwan kita! Sabihin mo!"

"Wala okey! Wala!"

"Wala? Yung totoo Stella!"

"Yun nga ang totoo kuya!"

"Ginalaw ka ba niya?"

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon