Pagdating niya sa bahay ay saktong kakarating lang din ni Lelouch. Naaubutan niya itong hinuhubad ang suot nitong polo. Galing din siya sa kaniyang school. Pagkita sa kaniya ng binata ay ibinalik nito ang suot niyang polo. Naramdaman na naman niya ang inis. Ano ba kasing problema sayong lalaki ka?!
Isang ngiti na naman ang iginawad sa kaniya ni Lelouch. Kita niya ang pamumula sa mukha ng binata. Hindi niya maintindihan kung bakit namumula ito kapag nakikita siya at parang ilang na ilang sa kaniya. Ano bang problema niya?
"So, kumusta naman ang araw mo? " ngiti niya.
Nagkibit balikat lamang siya. Nilagpasan niya si Lelouch at dire-diretsyo lang sa hagdanan.
Pagpasok niya ay dumapa kaagad siya. Parang pagod na pagod ang pakiramdam niya gayong wala naman siyang ibang ginawa kundi ang tumunganga at maghintay na makita niya si Gino.
Baliw ka talagang payatot ka.
Hindi namalayan ni Stella na nakatulog pala siya. Naramdaman na niya lang na ginigising na naman siya ni Lelouch.
"Stella... Gising na. " marahan nitong tapik sa kaniyang balikat.
Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mata at bumungad sa kaniya ang ngiti ng kulot na lalaking ito.
"It's past 8. Ayaw na sana kitang gisingin kaso hindi ka pa naghahapunan. Tara na sa baba para makakain kana. " ani Lelouch. Naka Tshirt naman ito ng red na may tatak na I survive Mt. Ulap at shorts na kulay black. Kitang kita ang makapal nitong balahibo sa binti. Sinundan niya lamang ito ng tingin.
Napako na naman si Lelouch sa kinatatayuan niya ng makita niyang naka school uniform pa ang dalaga. Hayyy ano na naman ang gagawin ko?
Umupo lamang sa kama si Stella at tumulala. Ganito talaga siya kapag bagong gising.
"Bago yan you should change your clothes. Naka uniform ka pa. " ani Lelouch.
Kinusot kusot ni Stella ang mata niya at iniunat ang dalawa niyang braso na ang ibig sabihin ay palitan mo ko.
"Diba itinuro ko na sayo kung paano? " ngiti siya pero nag-aalangan siya.
"Bukas ko na itatry. " naghikab pa siyang muli.
Napakamot nalang sa ulo niya si Lelouch at muli ay binihisan si Stella. Matapos ito ay sinamahan niya sa hapag kainan ang dalaga at sabay silang kumain. Nagkwento siya ng ilang mga bagay tungkol sa kung anu-ano. Pinipilit ni Lelouch na lagyan ng kulay ang pagsasama nila ni Stella dahil iniisip niyang silang dalawa din naman ang magbebenefit.
Kada matatapos ang araw ay nag-uupdate si Lelouch kay Dexter. Sinasabi niya ang halos lahat ng nangyayari sa kanila ni Stella pati na rin kung paano ito makasama sa kaniya. Palagi niya ding tinatanong si Dexter kung may update na sa pagtulong ng Nichols sa mga Lamperouge. Sinasagot naman siya nito na paunti-unti lang muna ang pagtulong sa kanila hanggat hindi pa sila nakakasal. Wala siyang ibang magawa kundi ang umoo na lamang sa lahat ng sinasabi ni Dexter.
"Lelouch, napakadaling mahalin ni Stella. " iyon lamang ang iniwang salita sa kaniya ni Dexter.
Napapikit siya at bumuntong hininga. Oo, madali nga siyang mahalin.
Dumaan pa ang ilang mga araw. Nasasanay na rin si Stella sa bagong set-up ng buhay niya pero kahit ganoon ay hindi pa din nagbabago ang tingin niya kay Lelouch. Naiinis pa rin siya dito. Palagi niyang tinatanong ang sarili niya kung ano bang meron sa lalaking iyon at inis na inis siya. Parati itong palaging parang nakakakita ng multo sa tuwing madadatnan niya sa bahay. Ni minsan din ay hindi niya ito nakitang sumimangot man lang o magreklamo dahil sa pagiging isip bata niya.
BINABASA MO ANG
A Silent Kiss ✔️
RomanceFor Stella, everything seems so normal. Normal na pamilya, normal na mga kaibigan, normal na pag-aaral at normal na buhay but little did she knew, iba pala ang realidad na alam niya sa tunay na realidad na pinagdadaanan ng normal na mga tao.